Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Stuntman nilundag si Kamatayan

0 58

Nauwi sa pighati ang masayang bakasyon ng isang pamilya matapos nilang makunan ng video ang pagkamatay ng kanilang padre de pamilya nang sumablay ito sa pagtalon sa Spain.

Sa ulat ng New York post, ang 31-anyos na stuntman ay isang Dutch na nagbakasyon sa Malgrats Islands sa Spain.

Binalak ng lalaki na tumalon sa isang bato na may taas na 100 talampakan pabagsak sa tubig.

Umarkila pa siya ng bangka para sakyan ng kanyang pamilya at kunan siya ng video habang tumatalon.

Sa kasamaang-palad, kinapos ang talon ng biktima at sumabit sa isang bato bago tuluyang bumagsak sa tubig.

Patay ang lalaki nang marekober ang katawan nito. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.