Una sa Balita

Student fare discount, i-extend tuwing weekends at holidays!­

0 766

Magandang balita! Naratipikahan na sa Senado ang ating panukala na Senate Bill No. 1597 o Student Fare Discount Act na nagmamandatong magbigay ng student fare discount sa mga pampublikong transportasyon kabilang ang mga weekends at holidays.

Pasado na po ang panukala sa Kongreso, at ngayon ay hinihintay na lamang natin na maiakyat na kay Pangu­long Duterte upang mapirmahan ang pagsasabatas nito.

Nagpapasalamat tayo sa pagtutulungan ng ating mga kapwa mambabatas, dahil kung titingnan natin nang maigi, kung kaya nating makabuo ng mga batas na nakapagbibigay ng mga pribilehiyo at diskuwento sa ating mga senior citizen at may mga kapansanan, ibig sabihin ay posible rin natin itong maiparanas sa mga kabataan.

Matagal nang umii­ral ang mga student fare discount, ngunit limitado lamang ang access nito. Kapag ganap nang maging batas ito, napakalaking ginhawa nito para sa mga estudyanteng naka-enroll sa elementary, high school at kolehiyo sa lahat ng mga public at private school dahil mapagkakalooban na sila ng Student Privilege Identification Card para sa iba’t ibang pang-araw-araw na discounts.

Related Posts

Makakakuha sila ng mga pribilehiyo tulad ng 20 porsiyentong diskuwento sa mga Public Utility Bus (PUBs), Public Utility Jeepney (PUJs), taxi, tricycle, Transport Network Vehicle Services (TNVS), Transport Network Companies (TNCs), shuttle service at public railway tulad ng Light Rail Transit (LRT), Mass Rail Transit (MRT) at Philippine National Railway (PNR) at maging mga domestic flight.

Inaasahan natin ang kooperasyon at suporta ng mga transportation utility owner sa mga mag-aaral at gawin nang tama ang kanilang serbisyo. Ang sinumang lalabag ay may kaakibat na parusa o multa sang-ayon sa nakasaad sa panukala. Ngunit, pakiusap lang sa ating mga kababa­yan na huwag naman nating abusuhin ang batas dahil pinapaha­lagahan din natin ang pagsusumikap at ang kabuhayan ng sektor ng transportasyon.

Walang patid kong ipinaglalaban sa Senado ang mga adhikaing magpapabuti sa kapa­kanang pang pinansyal, edukasyon, kalusugan at kabuhayan­ para sa kabataan at kanilang pamilya. Kaya kung posibleng mabigyan ito ng prayoridad ay kaagad din tayong magsasagawa ng pag-aaral at pagsasaliksik hanggang sa makapag-akda ng panukalang batas, tulad ng ating kasalukuyang naipa­tupad na student fare discount.

Todo ang ating suporta sa lahat ng magagandang ideya na may kinalaman sa kinabukasan ng mga batang Pilipino. Sila ang susunod na makikinabang sa kaunlarang kinakamit ng bansa natin ngayon,­ kaya ang kanilang determinasyon at karunungan ngayon ay ma­kabuluhan at talagang makaaapekto sa pag-angat ng ating bayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy