Una sa Balita

Student data hacking, wakasan na!

0 338

Hindi biro ang manakawan ng personal na impormasyon ng kahit sino dahil seguridad at pribadong buhay ng isang indibidwal ang kauna-unahang nakasalalay dito.

 Isa sa nakakaalarmang halimbawa nito ay ang nangyari kamakailan lamang na data hacking sa Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UNIFAST) kung saan nailantad ang personal data ng 1,130,899 bilang ng mga aplikante ng Tertiary Education Subsidy (TES).

 Na-access ng mga hindi kilalang hacker ang database ng TES na naglalaman ng pribadong impormasyon ng mga aplikanteng mag-aaral tulad ng identification number, buong pangalan ng mag-aaral, birth date, pangalan ng mga magulang at pati na ang address ng tirahan.

 Sinasabi rito na binura ng hacker ang TES database at nag-iwan ng tinatawag na ransomware, ito ay isang uri ng malicious software na nagbabanta na ilalabas nito ang impormasyon ng biktima hangga’t magbabayad ito ng tubos.

 Nakasaad sa Sec. 20 (f) ng Republic Act No. 10173 o ang Data Privacy Act of 2012 na dapat kaagad abisuhan ang National Privacy Commission (NPC) kapag may nangyaring iligal na pa­ngunguha ng sensitibong datos at personal na impormasyon ng kanilang nasasakupan.

 Sa naging sunod-sunod na pag-hack ng iba pang mga government website nitong mga nagdaang linggo, mahigpit nating hinihikayat ang secretariat ng UNIFAST na maging mas alerto, maingat at mapagmatyag upang mas masiguro na ligtas at nababantayang mabuti ang personal data ng lahat ng mga estudyante.

 Lalo na ang iba pang mga government agency, dapat ay mai-report agad sa NPC ang kahit anong hindi awtorisadong access sa anumang mga database na naglalaman ng personal na impormas­yon sa ilalim ng kanilang pangangalaga.

 Nangyari ito noon pang kalagitnaan ng Marso pero naiulat lamang ng secretariat ng NPC noong Abril. Sana ay nai-report nila nang mas maaga dahil ito ay kanilang responsibilidad para nagawan agad ng solusyon.

 Kaya naman hangad natin na agarang malutas at matapos na ang mga panlolokong ito. Huwag na rin sanang maulit pa sa kahit anong organisasyon dahil malaking banta ito sa seguridad ng ating mamamayan. Data hacking, wakasan na!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy