Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Stressed? Mga tips para iwas-burnout at aligaga

0 153

Back to school na naman ang ating mga chikiting at para sa mga nanay at tatay na unang beses pa lang may papasok na anak, hindi madali ang mag-adjust sa bagong modes of learning.

Ang chika sa akin ng aking mga kaibigan at kaopisina na may maliliit pang anak, bukod sa tutok ka sa kanila habang nagsasagot ng module o nag-o-online class, may tutorial session pang mangyayari pagkatapos ng mismong klase.

Extra challenge yan lalo na sa mga nagtatrabaho na nanay at tatay na siya ring gumagawa sa mga gawaing-bahay.Doble-doble ang stress!

Pero bago tayo kainin ng ating stress, ito ang mga pwedeng gawin para makapag-relax kahit kaunti… nang walang ginagastos at binabawas sa buwanang budget (na isa pang dagdag-stress).

  1. Maglaan ng ‘me’ time. Nang maging nanay ako, aminado ako na nawawala na yung oras para sa sarili. Syempre, uunahin nating tugunan ang pangangailangan sa bahay bago natin gawin ang mga bagay na kinahihiligan natin… na madalas, hindi na nangyayari dahil kulang pa ang 24 oras para sa ating pamilya. Pero napakahalaga ng oras para sa sarili. Ito ang magsasalba sa atin sa burnout na dulot ng stress.
  2. Maglakad-lakad o di kaya ay magpahangin sa labas. Ito ang ginagawa ko kapag nararamdaman ko na parang ang bigat na ng araw ko dahil sa sunud-sunod na trabaho o meetings. Mahalaga raw na i-eject mo ang iyong sarili sa nagdudulot ng iyong stress, kahit sandali. Lumabas muna sa bakuran ng iyong opisina, o ng bahay, para makahinga at recharge.
  3. Pag-iyak o pagdama sa iyong nararamdaman. Dahil marami tayong obligasyong kailangang gampanan, pinapalipas na lang natin ang ating nararamdaman. Pero, mga kapwa ko nanay, pwede tayong umiyak o ramdamin ung emosyon natin. Hindi man ito solusyon sa problema, pero makakagaan ito ng pakiramdam na pwedeng makatulong para mas maliwanagan tayo sa kung ano ang ating gagawin.
  4. Reach out sa mga kaibigan. Minsan, ang kailangan lang pala natin ay mayroon tayong makausap. Importante na mayroon tayong pinagkakatiwalaang mga tao sa ating buhay na pwede nating lapitan, na hindi nanghuhusga, sa mga panahon na tayo ay nabibigatan o nahihirapan.
  5. Tumawa. Dahil problemado, may mga pagkakataon na nagiging bugnutin at maiinitin ang ating ulo. Para maiwasan ito, huwag kalimutang tumawa. Manood ng mga nakaaliw na videos, magbasa ng mga inspiring stories, o di kaya ay mag-bonding kay mister o sa mga bata. Nakakatulong ito para gumaan ano man ang ating pakiramdam.

Sa panahong ito, lahat tayo ay humaharap sa iba’t ibang pagsubok. Sa kabila ng madidilim na yugto ng buhay, ang ngiti ng ating mga anak at ang pagbubuklod ng ating pamilya ang siya nating magiging liwanag. Stay safe and healthy po!

Leave A Reply

Your email address will not be published.