Una sa Balita

Street Child World Cup: PH-Payatas FC nakalusot

By
0 1,508

SUMIKAD ang Philippines-Payatas club sa quarterfinals ng Street Child World Cup sa Moscow, Russia nang paluhurin ang India, 6-0, at manguna sa Group C ng torneo.

Madikit ang naging kompetisyon sa pagitan ng PH-Payatas at England sa Group C kung saan ungos lang ng isang goal ang Philippine-based squad para pagharian ang naturang grupo.

24 mga bansa ang lumahok sa torneo na inorganisa ng Street Child United upang magkaroon ng tsansa ang mga batang kapus-palad na maipakita ang tinatagong tikas sa larangan ng football.

Hindi biro ang preparasyon na ginugol upang ma­ging handa ang all-girls squad na masusing pinili ang mga manlalaro mula Payatas, Quezon City, Mandaluyong City, Benguet, Cebu, Davao at Kalibo at nagsanay nang isang buong buwan para sa torneo.

Kumpiyansa naman si PH-Payatas team manager Roy Moore sa angking galing ng kanyang tropa.
Sunod na sasagupain ng ‘Pinas ang Mauritius. (Ray Mark Patriarca)