Una sa Balita

Strategy?

0 264

The struggle is real; last stretch will be ugly. — Erice

Amoy na amoy na kung saan papunta ang kampanya. Particularly sa kampo ng oposisyon. At ang ebidensya nito ay ang harap-harapang pagtalon ni Mar Roxas mula sa lumulubog na barko ng Otso. Ano na nga ba ‘yung kasabihan? Parang dagang umiskyerda.

Inamin naman ni Roxas spokesman, Edgar Erice na talagang dumidistansya si Mar sa pito. Dahil daw ito sa mga tirada sa pangulo. Maliwa­nag kina Erice na lahat ng bumira kay Pangulong Duterte ay bumababa sa mga survey. Kaya’t nililimita ni Mar ang batikos sa polisiya.

Pero… dumidistansya ba si Mar, o sadyang stratehiya ito para paniguradong makalusot kahit man lang si Bam o si Mar. Mas kapani-paniwala pa yata na si Gary Alejano, Romy Macalintal, Florin Hilbay, Samira Gutoc, Chel Diokno at Erin Tañada ay tumatakbo lang upang matuloy ang paninira kay Duterte, under the guise of an election campaign. Pero ang seryosong kandidato lamang ay si Mar at Bam.

So ang pagdidistansya ng dalawa (oo, ‘di na rin sumasabay si Bam) ay para makapagbalatkayo lang na objective ang kanilang kritisismo at limitado lamang sa polisiya na may national interest. Patapon na rin lang naman ‘yung 6, at mahihirapan makahabol with less than a month of campaigning to go. So babanat na lang muna sila ng babanat. Kasi, sa totoo lang, mukhang si Gutoc na lang ang humihirit ng eleksyon. ‘Yung iba, nambabakbak lang sa administrasyon at tila ‘di iniinda ‘yung kasabihang ‘politics is addition’.

Tingnan natin kung uubra. Although sa totoo lang, mabigat ang dala ni Mar. dumistansya man siya sa 6 sa 8, hindi pa rin niya malalayuan ang mga multo ng Yolanda at MRT. Pero, sige. Strategy.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy