Strategies ng Maute, bistado na ng militar

By

Isa na namang strategy ng grupong Maute ang natuklasan ng militar sa kasagsagan ng bakbakan sa Marawi City.

Batay sa impormasyon, nilulubog daw ng ilang bandido ang buo nilang katawan sa lupa at kalahating mukha lamang ang nakalitaw at binabalutan ng halaman.

Ayon kay Joint Task Force Marawi deputy commander Col. Romeo Brawner, hindi umano ito madaling mahalata lalo na’t abala ang militar at pulis sa ground assault.

Sinabi ni Brawner, kahit pabagu-bago ang istilo ng mga Maute ay hindi naman magpapadaig ang kanilang mga tropa.

Una na ring nabisto­ ng militar ang panibagon­g strategy na ginagamit ng grupong Maute-ASG-ISIS sa main battle area­ sa Marawi City. Ito ay ang pagbalot sa mga improvised explosive devic­e (IED) sa mga mababa­ngong ­sabon.

Ayon kay Brawner, natuklasan ito ng militar makaraang magduda sila sa mga nakakalat na mga bomba na nakabalot at hindi basta napapansin.

Maging ang mga K9 unit na ginagamit ng mi­litar ay hindi inuupuan kaya ilang beses nang may nagaganap na pagsabog at hindi napipigilan.

Magugunitang mahigit 100 nang sundalo at pulis ang nasugatan dahil sa mga nakakalat na IED sa main battle area.

SHARE