Una sa Balita

‘Stranger’ kumita ng P100M dahil sa puwet ni Marco

0 572

Pinatunayan ni Anne Curtis na malakas pa rin ang appeal niya sa box-office at kahit sino pa ang kanyang leading man sa pelikula gaya ni Marco Gumabao ay kinakagat pa rin ng mga moviegoer.

Tumabo na sa P100M ang kinita ng “Just A Stranger” nina Anne at Marco sa loob ng 12 araw. Nagbubunyi ang post ni Anne sa Instagram sa kinita ng pelikula kahit na limitado lang ang puwedeng manood nito dahil sa R-16 rating.

Pero hindi maaangkin ni Anne ang kredito ng pelikula lalo’t marami ang naglalaway sa ka-macho-han ni Marco. Ang pagpapasilip daw nito ng puwet at iba pang mga daring scene ang rason kung bakit dumami ang mga baklang nanood ng movie.

Sinasabing si Marco na ang puwedeng sumunod sa yapak ni Derek Ramsay, sa kategorya ng pagiging hunk at daring actor.

Enzo nakipaghalikan sa aso

Kinainggitan ng mga bakla ang alagang aso ni Enzo Pineda at ninais ng mga ito na maging alaga na lang ng Kapamilya actor.

Nag-post si Enzo ng short video sa Instagram kasama ang kanyang alaga. Mapapanood na inilagay ng aktor ang isang pagkain sa bibig at itinapat nito sa aso.

Kinagat ng aso ang kapirasong pagkain sa bibig ni Enzo, na siya namang ikinatuwa ng aktor. Naglapat ang bibig ni Enzo at ng aso. Nadilaan pa ng huli ang nakabukas na bibig ng amo.

Lumalabas na halos nakipaglaplapan si Enzo sa alaga na siyang ikinainggit ng mga bakla.

Mababasa sa mga komento na masuwerte ang aso dahil nakaiskor ito sa labi ng aktor. Ninanais tuloy ng mga beki na maging aso na lang sila para makahalik sila sa binata.

Enchong titulado na

Puwede nang maging manager sa lahat ng trabaho si Enchong Dee. Nagtapos ng kanyang mini-MBA si Enchong bilang Certified Professional Manager o CPM.

Ipinagmalaki ni Enchong sa kanyang Instagram ang diploma na nagpapakita ng pruweba sa pagiging titulado niya.

Sakop ng CPM course ni Enchong ang lahat ng may kinalaman sa business at marketing management. Tatlong buwang nag-aral ang aktor mula June 29 hanggang August 31 base sa nakasulat sa pinost niyang certificate.

Naka-post rin sa IG ni Enchong ang larawan niya kasama ang iba pang mga kaklase na kumuha rin ng parehong short course.

May mga negosyo si Enchong sa kasalukuyan, at isa na rito ay ang “Peri Peri Chicken”. Posibleng planong palawakin nito ang kanyang negosyo at personal na hawakan ang mga ito.

Dahil sa achievement na ito, pinuri ng mga kasamahan niya sa ABS-CBN at mga fan ang Kapamilya actor.

Luis buking sa pagli-lip sync

Iginiit ni Luis Manzano na gaya ng kanyang inang si Congresswoman Vilma Santos, isa rin siyang singer at dancer. Muling nagbigay-aliw si Luis sa netizen nang i-post niya sa kanyang Instagram ang throwback episode ng dating musical variety show ng ina na “Vilma” sa GMA-7.

Sa limang minutong video, mapapanood ang batang si Luis na nagsasayaw at nagra-rap sa production number nito para sa birthday celebration ng ina sa kanyang programa.

Nakakasayaw naman sa paulit-ulit na step si Luis at sa pre-recorded rap na sinasabayan nito sa mic. May mga pagkakataon lang na nahuhuli ito. Kaya nabubuking na hindi live ang pagkakanta niya sa music.

Ipinagmalaki ni Luis sa kanyang post na ipinanganak din siyang performer, na ayaw paniwalaan ng mga kasamahan niya sa Kapamilya network.

Natawa, na-entertain ang mga follower ni Luis sa post niya at umayon ang mga itong may talent din naman ang kanilang kaibigan.

Kilala si Luis sa pagiging makulit sa social media kaya marami siyang napapasaya, at meron din namang nabubuwisit sa kanya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy