Una sa Balita

Stranded OFWs sa Hong Kong pauuwiin ng gobyerno

By
0 135

Maaari nang makauwi ngayong Pasko ang mga Filipino domestic hel­per sa Hong Kong na nakabili ng pekeng tiket sa isang travel agency, matapos sagutin ng Malacañang ang pamasahe ng mga apektadong manggagawa, ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

“Inasikaso agad namin para makauwi sila,” ani Cayetano.

Sasaluhin ng Department of Foreign Affairs(DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang roundtrip ticket ng mga apektadong overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong.

Abante Hiring – IT dep

Naka-standby din ang C-130 plane ng Philippine Air Force sakaling walang makuhang commercial plane na mag-uuwi sa standed na Pinoy.

Nabatid na inatasan din ni Cayetano ang Philippine Consu­late General sa Hong Kong na magsampa ng kasong kriminal laban sa Peya Travel, ang travel agency na pag-aari ng isang Filipino na siyang nag-isyu ng mga tumalbog na tiket.

Nitong mga nagdaang araw ay sinugod ng mga galit na OFWs ang travel agency sa Hong Kong matapos hindi tanggapin ang kanilang tiket sa check-in counter sa Hong Kong International Airport dahil sa hindi naka-book ang kanilang pangalan.

Nag-alok na ng discounted fares ang Philippine Airlines at Cathay Pacific habang ang Cebu Pacific ay nagbigay ng 50 libreng tiket sa apektadong OFWs.