Una sa Balita

Story telling gamitin para ibenta ang ‘Pinas sa mga turista – Angara

0 349

HINIMOK ni Senador Sonny Angara ang Department of Tourism (DOT) na gumamit ng storytelling upang makahikayat ng mas mara­ming foreign visi­tors.

Ito ang apela ni Angara, Senador Richard Gordon at Senate Majority Juan Miguel Zubiri sa deliberasyon ng Senado sa inapruba­hang P3.377 bilyong badyet ng ahensiya para sa 2019.

Ayon kay Angara, may kakulangan ang ahensiya pagdating sa pagsasalarawan ng maya­yamang cultu­ral heritage at tourism sites ng bansa kung kaya pa­tuloy aniyang napag-iiwanan ng tou­rist arri­vals ang Pilipinas sa buong Southeast Asia.

“Storytelling is a great way of inspiring tourists to explore new things, activities and experiences in the Phi­lippines, which is without a doubt a beautiful and unique country with so many great attractions,” sabi ni Angara.

“Compared to Bali, our own Boracay and other lesser known beaches in the country like those in my home province of Aurora are far more beautiful. However, it seems that we lack stories that tell so,” sabi pa nito.

Inaasahan naman ng senador na mapadadali ng DOT ang kanilang mga plano at programa sa pagpabubuti ng promotion sa ibang tou­rist destinations ng bansa.

“We expect the DOT to come up with a po­werful, believable and interesting story about the country and its destinations to encourage more fo­reign tourists to vi­sit the Philippines,” ani Angara.

“There should be more emphasis on new destinations. We can do so much better than 7.4 million tourists. Everyone knows that,” dagdag nito. (Anne Lorraine Gamo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy