Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Storm Bell markado

0 102

HATAWAN sa largahan ang pitong tigasin kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Paniguradong hahakot sa bentahan ang kalahok na Line Them Up, Fort McKinley at Storm Bell sa event na nakataya ang P40,000 premyo para sa unang kabayong tatawid sa finish line.

May distansIyang 1,300 metro race ang nasabing karera na suportado ng Philippine Racing Commission.

“Kahit pito lang silang tatakbo ay mahirap pa rin pumili ng tatayaan kaya kapag gumawa ako ng Pick 6 tatlo na pipiliin ko para malaki ang tsansa na maka-one point agad,” hayag ni Redentor Fulgencio, beteranong karerista.

Ang ibang kalahok ay sina Tool Of Choice, Runawayfromrosenot, Hookbung Dagat at Courageous.

Hahamigin ng second placer ang P10,000 habang P5,000 ang kukubrahin ng pangatlong puwesto. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.