Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Stop preaching!’ Derek nagpatutsada sa mga misis na demanding

0 216

Parang medyo off ang dating sa amin ng Instagram stories ni Derek Ramsay na may hashtag na “Makes Sense.”

Coming from a guy na ngayon ay kakasal lang sa actress na si Ellen Adarna at maraming naging ex-girlfriends.

Ang shinare ni Derek na tinag din niya si Ellen. Sa post kasi na shinare ni Derek, it sums up na kahit daw ilang taon pa ang relasyon ng lalaki, pwede itong magbago at ang makatuluyan ay tipong 6 months pa lang nakikilala.

Narito ang buong post, “I’ve seen men leave 5-10 year relationships, turn around and get married to a woman he’s known for 6 months. And does all the things his ex always begged him to do. Word of advice, stop preaching to these men, they hear you. He’s not going to ever be the man you want him to be because you’re not the woman he wants to be with. People change for who they want. Period.”

Ritz, Allan pakakasal uli sa Palawan

Ang bongga talaga ni Ritz Azul. Kahit na aminadong mahirap magplano at mag-mount ng wedding ngayong pandemic, masasabing achieved na achieved pa rin niya ang dream wedding talaga.

Kinasal na si Ritz sa kanyang 4 years boyfriend na si Allan Guy noong November 20 sa Baguio at base sa mga pictures at videos na lumabas, masasabing ang ganda nang naganap na kasalan, an intimate wedding with their immediate family members and friends, plus a beautiful nature as view.

Pero hindi pala dito magtatapos ang lahat. Itutuloy pa rin nina Ritz at ng kanyang Mister na si Allan ang kanilang dream wedding talaga, which is a beach wedding in Palawan.

Sa December, sa original date ng wedding pa rin nila ito planong gawin. Most likely, with same guests and entourage pa rin daw. Tipong magiging celebration na ito, pero ang talagang kasal nila ay ‘yung naganap na noong Sabado.

Nakausap namin si Ritz na masaya sa first few days ng kanyang marriage life. At mukhang love na love rin talaga siya ng Mister.

Sa ngayon, tuloy pa rin ang kanyang showbiz career. Meron siyang nagawa para sa iWant na ipalalabas sa January 2022. At kahit may asawa na, wala rin daw isyu sa Mister niya ang pagiging artista niya at suportado siya nito.

Dina, Jaclyn tarayan sa pag-arte

Masaya ang bumubuo ng GMA primetime series na “The World Between Us” na pinangungunahan ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Trending gabi-gabi ang TWBU kaya ramdam daw ng mga ito ang pagka-miss sa serye ng mga Betweeners nang mag-season break ito.

Ilan sa mga comments, “Worth the wait ang season comeback ng The World Between Us.”

“Sulit naman ang paghihintay.”

“Yung bawat gap, cliffhanger!”

Puring-puri rin ng mga netizens ang dalawang veteran actress na sina Jaclyn Jose at Dina Bonnevie, dahil sa husay nilang umarte.

Sa ngayon, dahil tapos na nga ang lock-in taping for TWBU, busy na si Alden sa preparation for his January 30 virtual docu concert na “ForwARd” at ang pagsisimula ng shooting ng movie nila ni Bea Alonzo na “Special Memory.”

Pero next year, sinabi na ni Alden na may nakaplano ng bagong serye na gagawin niya sa GMA-7.

Leave A Reply

Your email address will not be published.