Una sa Balita

Stop EJK ang solusyon! – Sen. Pangilinan

0 258

Sablay ang panawagan ni Tourism Secretary Wanda Teo kay Vice President Leni Robredo at sa media na bawasan ang pag-uulat hinggil sa extrajudicial killings (EJKs) na nagaganap sa bansa.

Ayon kay Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, kay Pangulong Rodrigo Duterte dapat nanawagan si Secretary Teo dahil ito naman ang may pakana ng war on drugs na siyang dahilan kung bakit maraming nagaganap na patayan.

Aniya, walang iuulat na EJKs si Robredo sa United Nations at wala ring ibabalita ang media kung walang nagaganap na patayan dahil sa iresponsableng anti-illegal drug campaign ang Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng Oplan Tokhang.

“Ang solusyon ay itigil ang EJKs at hindi itigil ang pagreport dito. Mahirap idownplay ito,”giit ni Pangilinan.

Kahapon, sinabi ni Secretary Teo sa isang press conference sa Bangkok, Thailand na nahihirapan siya sa kanyang trabaho na ipromote ang Pilipinas sa mga turista kung panay ang paninira ni Robredo at ng media sa imahe ng bansa dahil sa ulat na paglala ng EJKs.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy