Una sa Balita

Steven Spielberg hanga kay global green champ Illac Diaz

0 216

NAPAHANGA ang Hollywood film genius na si Steven Spielberg sa proyektong Liter of Light ni social entrepreneur at global green champion Illac Diaz.

Sa pamamagitan ng Instagram ay ibi­nahagi ni Illac ang naging pagkikita sa tanyag na Hollywood director sa Comcast Tower sa Philadelphia kung saan ito tumanggap ng endorsement para sa kanyang Liter of Light (1LL).

Ang 1LL ay isang inisyatibo para magkaloob ng murang solar lamp sa mahihirap na komunidad sa buong mundo.

Ganito ang caption ni Illac sa kanyang ipinost na video sa Instagram: “Thanks Steven Speiberg and President of Comcast for recognising Liter of Light.”

Si Diaz ay tumanggap ng Silver Edi­son award nitong Abril bago inimbita­han sa Comcast para ibahagi ang kanyang proyekto.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy