Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Steve Harvey host uli: Miss Universe ‘21 gaganapin sa Israel

0 22

Confirmed na sa Israel gaganapin ang Miss Universe 2021.

Pinost ito ng Miss Universe Organization sa kanilang mga social media account.

“70 years! The 70th #MissUniverse competition is heading to….Eilat, Israel! Miss Universe will air live around the world December 2021. Stay tuned for more information or visit http://missuniverse.com,” tweet ng MUO.

The coronation night will be broadcast live globally in December 2021 from Eilat, a port city in the south tip of Israel.

Kaya pala parang nagmamadali ang Miss Universe Philippines sa screening ng candidates. Sa September na kasi ang pageant nila at ipapasa ni Rabiya Mateo ang korona sa susunod na Miss Universe Philippines.

Ang winner ay may natitirang two months training bago ito lumipad for Israel.

Babalik as host ng Miss Universe si Steve Harvey at sa December mag-end ang reign ni Miss Universe 2020 Andrea Meza na nanalo noong nakaraang May 2021 lamang.

First time rin gagawin ang Miss Universe sa isang bansa sa Middle East. May isang Miss Universe winner na ang Israel at ito ay si Rina Messinger na nanalo noong 1976. Isa na siyang lawyer at kilala sa pangalan na Rina Mor.

Ang pinakasikat na Miss Israel candidate ay si Gal Gadot na isang sikat ng Hollywood actress at nagbida sa pelikulang Wonder Woman. Nag-compete si Gal sa 2004 Miss Universe. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.