Una sa Balita

Stephenson pinatirik ang SMB sa ‘Terrific’

0 291

Nabigo ang San Miguel Beer na pumalaot sa final ng 2nd East Asia Terrific 12 2019 sa Macau, pero mala­king tulong na ang unang stint sa torneo para sa grand slam bid ng Beermen sa 44th PBA Governors Cup 2019-2020.

Tumukod ang SMB kay Lance Stephenson at Liaoning Flying Leopards China 111-89 sa semifinal match nitong Sabado ng gabi.

“We’ve gained a lot of knowledge and experience in this tournament,” ani coach Leo Austria. “It was a great opportunity for us to learn.”

Bumalik ang Beermen sa Tap Seac Multisport Pavilion kahapon para makipagrambulan sa third place kontra Zhejiang Guangsha Lions China na tinakasan ng Seoul SK Knights Korea 77-76 sa isa pang final four clash.
“We’ll take it (third place battle) seriously because as we’ve said, we’re here not just to participate, we’re here to compete,” panapos ng eight-time PBA champion coach.

Kontra Flying Leopards, kumikikig pa ang Beermen sa umpisa at lumamang, 28-26 sa 8 straight points ni Von Pessumal mula first patawid ng second quarters.

Pero biglang nagliyab si Stephenson, sinindihan ang 25-2 run ng Liao­ning para kumalas 51-30 sa half.

Nilista sa first half ni Stephenson, kakampi ni LeBron James sa Lakers noong nakaraang season, ang 23 sa kanyang 35 points huling ang buzzer-beating 3 sa break bago nilabas ang kanyang air guitar.

‘Di na nakapalag mula roon ang Beermen, pinangunahan ng 19 points, 5 rebounds at 6 assists ni Terrence Romeo. May 16 points si Dez Wells at 15 kay Lester Prosper. Tumapos si Pessumal ng 11.

Overall, kuntento si Austria sa napulot na aral at karanasan sa ­Macau. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy