Una sa Balita

Stephenson balik-PBA, salang sa Blackwater

By
0 423

PINAKAMAAGANG nagbakasyon sa PBA Philippine Cup ang Blackwater, tinapos ang conference sa 2-9 at natengga sa kailaliman ng 12-team league.

Nag-resign si coach Bong Ramos, ipinalit ang long-time assistant ng team na si Aris ­Dimaunahan.

Pu­mirma na rin sa team para sa kabuuan ng season ang No. 2 pick overall ng Elite sa nakaraang Draft na si Bobby Ray Parks, Jr.

Noong nakaraang season, sa unang pagkakataon sapul nang sumali sa liga noong 2014 ay nakarating hanggang playoffs ng Governors Cup.

Maagang pinaghandaan ng team ni Dioceldo Sy ang susunod na Commissioner’s Cup, tinapik si Alex Stephenson, 31.

Sagad sa import ceiling na 6-foot-10 si Stephenson, dati nang naglaro sa Meralco noong 2017. Ga­ling siyang Japan League bilang reinforcement ng Yokohama B-Corsairs.

Produkto ng University of Southern California Trojans si Stephenson at naging miyembro ng All-NBA D-League First Team noong 2016 bago napansin ng LA Clippers at Memphis Grizzlies.

Naihatid hanggang quarterfinals ng midseason confe­rence ang Bolts at nag-average si Stephenson ng 15.6 points, 19.4 rebounds at 1.8 blocks.

Brusko si Stephenson, bagay na kailangan ng Blackwater dahil kulang sila ng pambalya sa ilalim sapul nang i-trade si Poy Erram sa NLEX nitong offseason. Kabisado na rin niya ang laro sa PBA.

Kasama sa balasahan sa coaching staff ng Elite, angat bilang first assistant coach si Rommel Adducul, ginawang team manager ang matagal na ring deputy na si Pat Aquino kapalit ni Joel Co.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy