Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Steph, Warriors ililibing Celtics

0 94

SUKI ng NBA Finals ang Golden State core nina Stephen Curry, Klay Thompson at Draymond Green, abot kamay na naman ang isang titulo.

Sila ang namuno sa 2015 championship run ng Warriors.

Sa mga karanasan na ‘yun huhugot ang Warriors para isubi na ang pang-apat na titulo sa nakalipas na walong taon.

Dalawa pa ang tsansa nila, una sa Game 6 ngayong araw sa TD Garden sa Boston. Sakaling makahirit ng panalo ang Celtics, sa Chase Center sa Bay Area ang Game 7.

Bawal kumurap, ayon kay Curry. Kailangan focused sa laro buong 48 minutes.

“At the end of the day, once you get out there, you just have to be in the moment,” giit niya. “You got to be present as much as possible, not worry about the consequences of a win or a loss.”

Sa kabila, maliban kay veteran forward Al Horford ay bata ang stars ng Celtics kina Jayson Tatum, Jaylen Brown, Marcus Smart.

Magkakatalo sa kung sino ang mas determinado – championship o winner-take-all. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.