Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Stella Malone madedehado

0 58

MAGSASANIB-PUWERSA sina Runawayfromrosenot at Stella Malone upang masikwat ang panalo sa Condition Race Merged (10) na ilalarga sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas ngayong araw.

May distansyang 1,400 metro, rerendahan ni Jonathan Juco si Runawayfromrosenot habang si CP Sigua ang sasakay kay Stella Malone na inaasahang magiging dehado sa laban.

Ayon sa komento ng mga karerista, nahihirapan silang pumili ng tatayaang kabayo dahil lahat ng mga kasali ay may kakayahang manalo.

“Mahirap mamili sa lineup na ‘yan, kahit sino puwedeng manalo dahil mahuhusay din ang mga kasali,” saad ni Nelson Concepcion, veteran karerista.

Makakatagisan ng bilis ng magka-kuwadrang Runawayfromrosenot at Stella Malone ay sina Greatwall, Victorious Colt, Hookbung Dagat, Gomper Girl, The Accountant at Magtotobetsky.

Samantala, siyam na karera ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw kaya tiyak na masisiyahan ang mga karerista sa kanilang pananaya.

Suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ang lahat ng races. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.