Una sa Balita

Stay at home

0 470

Dahil Enhance Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon ay “stay at home” ang ating kumareng si Jolina Icao na nagiging abala sa pagsasagawa ng online TikTok bukod sa Youtube.

Si Jolina na tubong Polanco, Zamboanga del Norte na may local chess rating 1700 ay butihing ina ng inaanak kong si Baby Uno na asawa naman ng kumpare kong si Arena Grandmaster Almario Marlon Bernardino Jr.

Mapapanood ang kanyang Tiktok sa @icaojolina na may youtube account na Jolina Icao.

Abala rin ang isa ko pang kumareng si Canada-based Woman Fide Master Sheerie Joy Lomibao-Beltran sa TikTok. Maraming beses na naging teammate ko si Joy na kinatawan ang ‘Pinas sa ilang mga torneo.

Ipinabatid din ni Bernardino ang Home Quarantine Chess Tournament ng Pamilya Faeldonia na kinabibilangan nina Engr. Ernie, Mam Cherrylyn at mga anak na sina Jasper, Jerick at John Ernest.

Tuloy pa rin ang live chess video blitz practice sa Quiapo Dental Clinic ni Dr. Jenny Mayor sa pakikipagtulungan ni Noel Jay Estacio.

Nais kong batiin ang mga bumubuo sa bagong tatag na Philippine Arbiters Chess Confederation (PACC), Inc. na nasa pagkandili ng ating kumpare si National Chess Federation of the Philippines (NCFP) chairman/president Rep. Prospero Pichay Jr. Pinamumunuan ang PACC ni International Arbiter/National Master Wilfredo Neri bilang pangulo.

Binabati ko rin sina San Juan City Chief of Police Col. Jaime Osit Santos, international billiards and Snooker champion Kapt. Marlon Manalo at kagawad Cynthia Caluya ng Barangay Malamig, Mandaluyong City at Kap. Christopher Cheng ng Brgy, Kaunlaran, District IV, Quezon City sa maayos na pamumuno sa kanilang nasasakupan.

Puspusan ang chess training sa kanilang bahay ng magkapatid na Ivan Travis at Jericho Winston Cu ng San Juan City, maging ng magkapatid na Oshrie James Constantino Reyes at Prince Jhamie Constantino Reyes ng Santa Rita, Pampanga.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More