Una sa Balita

State of lawless violence, butas-butas

By
0 2

Maaaring kuwestiyunin sa Supreme Court (SC) ang legalidad ng idineklarang state of lawless violence (SOLV) sa buong kapuluan, ayon kay Senador Leila de Lima.

“Puwede pong kuwestiyunin. And I think, baka may mga nagbabalak na, especially mga human rights advocates,”paglalahad ng senadora.

Ilan sa mga butas, ayon sa senador, ay makikita sa implementing guidelines ng Proclamation No. 55 hinggil sa warrantless arrest.

Walang nakikitang problema si De Lima sa unang tatlong grounds para ipatupad ang warrantless arrest tulad ng kung ang krimen ay nagawa na o gagawin pa lamang; kung ang krimen ay katatapos lang ng ilang oras at kung tumakas ang isang preso.

Sinabi ni De Lima na maaaring maabuso ang ikaapat na ground dahil paano pa papalag ang isang tao sa warrantless arrest kung nakaharap na ang mga pulis na may bitbit na baril.

Kinuwestiyon din ng chairperson ng Senate committee on justice and human rights ang inimbentong ground sa warrantless searches and seizures. Aniya, tama lang ang unang anim na ground subalit sablay ang ikapitong ground.