Una sa Balita

State of calamity dineklara sa Paluan, Occ Mindoro

0 271

Sinailalim na sa state of calamity ang munisipalidad ng Paluan, Occidental Mindoro makaraang mabugbog ng malalakas na alon.

May taas umanong 5 metro ang mga tidal wave at hinambalos ang seawall na nagresulta sa pagguho nito. Apektado rin ang nasa 600 indibid­wal sa 10 barangay na nawasak ang mga tahanan.

Kasama ring nawasak ng malalaking alon ang bangka na ibinigay ng Chinese businessman sa crew ng FB Gemver na inabandona ng isang Chinese ship sa Philippine West Sea noong Hunyo.

Ayon kay San Jose Vice Mayor Rod Agas, tila pinaglaruan ng alon ang nasabing bangka dahil matapos iangat ang hulihang bahagi nito ay binagsak naman ang unahan kaya nabali ito sa gitna.

Hindi pa umano nagagamit ang bangka dahil isinasaayos pa ito nang tumama ang sakuna sa lugar.

Bukod dito, mayroon pang 58 fishing boat na winasak ng alon dulot ng bagyong ‘Quiel’.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy