Una sa Balita

State of calamity dineklara sa bayan ng Ifugao dahil sa dengue

0 197

Nagdeklara ng state of calamity ang bayan ng Lamut, Ifugao dahil sa dengue outbreak na nararanasan matapos mamatay ang dalawa katao dahil sa dengue fever.

Ang pagdeklara ng state of calamity ay alinsunod sa rekomendasyon ng Lamut Municipal Health Office at sa kahi­lingan ng kanilang alkalde na si Mayor Mariano Buyagawan Jr.

Base sa Sangguniang Bayan municipal resolution number 2019-10-023, isinaad dito na mayroong nangyayaring dengue epidemic sa 18 na barangay sa buong bayan ng Lamut.

Batay sa datos, nakakaalarma at nagpapakita ng mga ebidensya na nagkakaroon na ng dengue outbreak sa munisipalidad.

“The municipality recorded the occurrence of dengue epidemic in the 18 barangays with two fatalities in one of the barangays,” ayon sa isinasaad ng resolusyon.

Sinabi ng mga opisyal ng local government unit (LGU), mayroong limang porsiyento sa annual budget ng munisipyo ang nakalaan para sa calamity fund.

Ang nasabing pondo ay magagamit para sa quick response para mabigyang lunas ang dengue outbreak sa nasabing munisipalidad.

Samantala, nakapagtala ang Department of Health-Cordillera (DOH-Cor) ng 4,704 na kaso ng dengue sa Cordillera Administrative Region (CAR) at siyam ang namatay dito kung saan ang probinsya ng Ifugao ay nakapagtala ng 478 kaso ng dengue.

Nakapagtala rin ang Apayao ng 819 na kaso; Benguet, 778 na kung saan apat ang namatay; Abra, 693; Kalinga 573 na kung saan isa ang pumanaw; Baguio, 384 kaso na isa ang namatay at sa Mountain Province, 334 kaso na kung saan isa ang patay. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy