Una sa Balita

State of calamity sa Nueva Ecija dahil sa bulate

By
0 3,832

INUTOS ni San Jose City Mayor Mario ‘Kokoy’ Salvador sa mahigit 20 kataong miyembro ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) na magsagawa ng urgent meeting upang mairekomenda ang pagdedeklara ng ‘state of calamity’ sa lungsod dahil sa pananalasa ng harabas o ‘army worms’ sa taniman ng sibuyas.

Hanggang noong Huwebes ay uma­bot na umano sa kulang 60 porsiyento ng mahigit 1,181 ektarya ang napinsala sa mga tanim na sibuyas.

Ayon kay Violeta Vargas, city agriculture officer, kinukumpleto na nila ang geo-tagging sa mga bukirin mula sa 29 na barangay na tinamnan ng sibuyas.

Hanggang kahapon ay tinatayang aabot na sa kulang P200 milyong ha­laga ng red creole, spring onion, puting sibuyas at tanduyong na mga pananim ang sinira ng harabas.

Umaasa si Mayor Salvador na pagtitibayin ng Sangguniang Panglungsod sa kanilang sesyon sa Lunes ang deklarasyon ng ‘state of calamity’ upang magamit ang ‘quick reaction fund’ na pantulong sa may 1,000 magsasakang naapektuhan. (Jojo de Guzman)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy