Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Starmall 4 oras naglagablab

0 256

Sumiklab ang sunog sa Starmall sa Alabang, Muntilupa City kahapon ng madaling-araw na nagdulot din ng matinding trapik sa lugar.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Muntinlupa, nagsimula ang sunog sa bahagi ng ikalawang palapag ng mall at agad itong gumapang sa All Homes department store sa ground floor bandang alas-3:40 ng madaling-araw.

Mabilis na kumalat ang apoy kung kaya’t itinaas ng BFP sa ika-limang alarma ang sunog bandang alas-7:13 ng umaga.

Ginamitan ng mga bumbero ng hydraulic ladder at water canyon para maapupa ang sunog.

Nagdulot din ito ng matinding pagsisikip ng trapiko sa kahabaan ng East Service Road ng South Superhighway.

Umakyat sa Task Force Alpha ang sunog dakong alas-7:46 ng umaga.

Wala pang ulat ang BFP-Muntinlupa sa naging sanhi ng sunog.

Kabilang ang Starmall sa mga negosyong pag-aari ng pamilya ni dating senador Manuel Villar. Dating sementeryo ang kinatatayuan ng Starmall sa Alabang bago ito nabili ng mga Villar at ginawang shopping mall.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi mula sa nasunog na establisimiyento. (Mia Billones/Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.