Una sa Balita

Starlet mapanganib ang bunganga

By
0 4,298

So, pinatawag na pala si starlet ng pamunuan­ ng network para pagpaliwanagin ang diumano’y sinimulan niyang gulo na involved ang iba pang mga star.

Kung hindi dahil sa kanya, wala sigurong tensiyon sa set sa programang lumalabas na poor third lamang siya sa mga bida.

Ang tsika ay mega-sorry raw ito sa pamunuan matapos nitong tanggapin ang kanyang pagkakamali bilang taga-gatong sa sitwasyong tahimik sana dapat.

Kilala sa produksiyon ang starlet na ito na tatahi-tahimik pero mapanganib ang bunganga. Siya nga raw ang totoong ahas na patago kung manuklaw.

Eh, ngayon? Ano ang napala niya? Patawa nga siya, ‘di ba?

Pero, ang usap-usapan, ay nakahingi na nga siya ng paumanhin sa kinauukulan, e, paano naman ang direktang naapektuhan ng kaniyang aksiyon na bunga ng inggit o insecurity sa kanyang katawan?
Ganun na lang yun? Dedma at plastikan na lang kapag nagkakasama sila?

Aba, kung sinsero siya sa kanyang pagsu-sorry, dapat iisa-isahin niyang mag-sorry sa mga star na ‘ginulo’ niya ang buhay.

Ang dalawang magkaibigan na ngayon ay dedmahan na, ang baguhang aktor na idinawit niya, at ang production people na pinagtsitsismisan niya.

Pero, sa tingin niyo ba ay tumahimik na ang totoong Galema?

Eh, ano ang mga parinig ng kanyang mga kasama­ sa set sa mga faney ng isa sa naapektuhan­ niya?

Patuloy pa rin ang parinig ng mga ito, pati na ang tito ng isa rin sa involved pero kaibigan niya ngayon na dati rin niyang sinisiraan noon.

Well, puwede ngang magpalit ng balat ang ahas, pero hindi ang kanyang pag-uugali.

Yun lang!

Bagong boylet ng aktres matinik sa babae

Mukhang masaya ngayon ang mundo ng isang biguang aktres. Dahil matapos ­silang maghiwalay ng kanyang dyowa, mukhang nagsisimula na namang magkakulay ang kanyang buhay pag-ibig.

Ayon sa aming katsika, hinahatid ito ng kanyang­ bagong kaibigan sa kanyang pupuntahan, pero hangga’t maaari ay ayaw magpakita ng lalaki dahil­ ­ayaw niyang pagpistahan siya ng mga taong makakakita sa kanila.

Pero, kahit anong tago niya ay meron pa ring nakakakilala sa kanya kaya umikot nga ang tsismis kung siya ba ang bagong suitor ng aktres na ito, o shoulder-to-cry on lamang siya dahil nasa moving on stage pa rin ang biguang kaibigan niya.

Natutuwa naman daw ang ex-bf nito dahil finally ay matatahimik na rin ang kanyang mundo. Minsan na kasi niya itong hiniwalayan pero dahil mahal naman niya talaga ito noon kaya pumayag siya na muli nilang subukin ang kanilang relasyon.

Well, kung sakaling totoo man ito, wala namang­ masama dahil pareho naman silang single ng bagong tagahatid niya sa kanyang mga lakad.

Pero, ayon sa iba, kwidaw raw si babae dahil kilalang matinik sa tsiks ang new-found friend niya kung sakaling manligaw nga ito at sagutin niya.

Dahil baka sa huli, ay maging kambal ang sakit na kanyang mararamdaman lalo na’t nasanay na rin siya sa mahaba-habang relasyon at todo rin ­siyang magmahal.

Oh, well….