Una sa Balita

Starlet kating-kati sa kaguwapuhan ni aktor

By
0 1,088

Isang starlet na patay na patay sa isang aktor ang hindi makatiis na hindi makita ang kinababaliwan niya sa Araw ng mga Puso. Pinuntahan niya sa set ang aktor na abala sa taping ng upcoming show.

Sa mga oras na iyon ay punong-puno ng mga fan ang set na pinagteteypi­ngan ng sinusuportahang loveteam. Hindi man siya bumaba ng sasakyan ay meron pa ring nakaamoy na mga tao sa presence ng starlet.

Hindi kaya alam ng starlet na nakakasira siya sa career ng aktor na ngayon palang medyo umuusad ang career. Sana isipin din niya ang kalagayan niya at struggling pa rin ang career niya. Iba na talaga ang mga kabataan ngayon. Gusto yata magarahe agad.

 

Mga magulang ni Ogie nagpasiklab sa concert

 

Gaya ng nakagawian ay buhay na buhay ang Va­lentines evening sa buong Metro Manila. Parang nasa kalye lahat ng tao.

Ang mga concert at restaurant ay punong-puno ng tao. May nakita nga kaming isang fast food outlet na punong-puno hanggang sa labas. Noong gabing­ ‘yun ay parang New Year na lahat ay nagdi­riwang kaya sobrang trapik.

At hanggang kahapon na Feb. 16 na ay parang aligaga pa rin ang mga tao.
Extended nga ang Valentine’s day, ha!

Anyway, sobrang successful nga ang mga concert at sa mga ilang post sa social media ay jam-packed lahat ang bawat venue. Ilan sa nakatawag pansin sa akin ay ang concert nina Martin Nie­vera at Lani Misa­lucha, Regine Velasquez at Vice Ganda at lalo na ang kay Ogie Alcasid.

Sa concert ni Ogie ay napahanga kami sa special number na kasama ang mga magulang niya.

Magagaling talagang mang-aawit ang pamilya Alcasid.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy