Una sa Balita

Starbucks chairman nag-resign, tatakbong US president

By
0 2,165

IIWANAN na ni Howard Schultz ang puwesto bilang chairman ng Starbucks Corp., upang subukan ang serbisyo publiko, kabilang na ang posibilidad na tumakbo sa susunod na presidential election sa Estados Unidos.

Matapos ang 36 taon na pagpapatakbo sa Starbucks, puputulin na ni Schultz, 64-anyos, ang koneksyon sa kompanya bago matapos ang buwan.

“I’ll be thinking about a range of options for myself, from philanthropy to public service, but I’m a long way from knowing what the future holds,” ayon sa liham niya sa mga empleyado.

Matagal nang usap-usapan na tatakbong presidente si Schultz, pero nang direkta siyang tanungin ng New York Times nitong Lunes, sinabi niyang, “For some time now, I have been deeply concerned about our country – the growing division at home and our standing in the world.”

Noong 2016 election, sinuportahan niya ang kandidatura ni Democratic presidential bet Hilary Clinton na natalo kay President Donald Trump.

Papalit kay Schultz bilang chairman si Myron E. ‘Mike’ Ullman.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More