Una sa Balita

Star Magic Ball pinatay ng ABS-CBN

0 1,446

abante-anything-goes-jun-lalin

Noong Sunday ay ginanap ang “Pure Magic 2019” event sa Marquis Events Place aa Bonifacio Global City. Ang event na ‘yon ay dinaluhan ng Star Magic artists ng ABS-CBN.

May mga nag-aakalang baka ang event na ‘yon na ang kapalit ng “Star Magic Ball” lalo na at wala silang ganoong happening last year dahil ang meron lang ay ang first “ABS-CBN Ball” na dinaluhan ng mga Kapamilya star and singer.

Pero sabi ng isang kausap ko, wala raw kinalaman ang event last Sunday night sa “Star Magic Ball” dahil ang “Pure Magic 2019” ay pa-event ni Keren Pascual na exclusive sa Star Magic stars and singers.

Pero wala na nga rin daw talagang “Star Magic Ball” dahil yearly na raw ang “ABS-CBN Ball.”
Ang ilan sa mga um-attend sa pa-event na ‘yon ni Keren para sa Star Magic stars and singers ay sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Gerald Anderson, Bea Alonzo, Pokwang, Julia Barretto, Joshua Garcia, Maymay Entrata, Edward Barber, Piolo Pascual at iba pa.
***

Assunta pinag-aagawan ng siyete, dos

Noong Sunday night ay dinalaw ko si Assunta de Rossi sa bagong lugar nila ng mister niyang si Jules Ledesma sa BGC. In fairness, ang ganda ng upper penthouse four-bedroom condominium nila.

Sa dating movie producer na si Via Marquez-Hoffman na kapatid nina Joey at Melanie Marquez ang upper penthouse unit na ‘yon at nabili raw ng isang kamag-anak ng isang showbiz clan din and after a year ay nabili naman ng mag-asawang Ledesma.

Fully furnished daw ang nasabing upper penthouse unit na ‘yon nang mabili nila, pero marami rin silang pinalitang furniture katulad ng sala set.

‘Yung dating sala set nga raw ay ibinigay ni Assunta kay Alessandra de Rossi at nagustuhan daw ‘yon ng kanyang kapatid.

Sabi ni Assunta, baka sa lugar na raw na ‘yon sila forever mag-stay ni Jules.

Sa ngayon, hindi pa tapos ni Assunta ang pag-aayos sa lugar dahil marami pa silang mga gamit na hindi naaayos.

Pero marami naman daw siyang oras para sa pag-aayos ng bago nilang lugar dahil hindi na nga siya tumatanggap ng showbiz projects ngayon kahit pa nga both ABS-CBN and GMA 7 ay interesado pa ring kunin ang kanyang serbisyo.

May kinalaman nga pala sa gusto niyang magbuntis ang dahilan ng temporary retirement ni Assunta sa pag-aartista.
***

Dina mas bumata, gumanda

Maaga kaming dumating nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama sa birthday dinner ni Dina Bonnevie sa Samba restaurant sa Shangri-La Hotel The Fort noong Sunday night, kaya konti pa lang ang mga bisita.

Si Ronnie Henares na co-star nina Dina at Tito Eddie ang nandoon pa lang, pati ang mister ng aktres, si DV Savellano, pati ang anak na si Oyo Sotto.

Sabi sa akin ni Oyo, ang sister daw niya na si Danica ay parating pa lang daw.

Ang alam ko, 58 years old na si Dina noong Sunday, pero mukha pa rin siyang bata sa edad niya. Para nga lang siyang nasa 40’s at in fairness, gumanda lalo dahil pumayat na rin siya, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy