Una sa Balita

Star-Crossed Lovers

By
0 617

Ika-9 na labas

Naupo ang dalaga sa tabi ng bisita.

“I know. Itatanong mo sa akin kung saan nagpunta ang bestfriend ko.”

“Yeah.”

“John, bakit? ‘Di ba nag-break na kayo?”

“Alam ko. But I realize na hindi pala gano’n kadali.”

“Sana na-realize mo ito nang mas maaga. ‘Yung bago ka nakipag-break at bago ka nakipaghalikan sa iba.”

“I’m sorry about that.”

“Alam mo John, sayang eh… Ako ang nanghihinayang kasi nu’ng araw na nakita ka niya with that girl, iyon na sana ‘yung araw na makikipag-ayos siya sa’yo at papayag na siyang magpakasal sa’yo.”

Nagulat si John.

“Ano kamo?”

“Sinabi niya sa’kin ‘yon bago siya nagpaalam.”

“Kung nagpaalam siya sa’yo, malamang na sinabi rin niya sa’yo kung saan siya pupunta?”

Umiling si Elise.

“I’m sorry John, pero wala siyang pinagsabihan maski sino, tinanong ko na rin si Uncle Rome at Tita Menchie pero maski sa kanila hindi sinabi ni Gabbie kung saan siya pupunta. Gusto kong maghinanakit dahil hindi niya ako pinagkatiwalaan sa bagay na ‘yan, pero inunawa ko na lang na gusto niya munang mapag-isa.”

Nanlumo si John. Bigo siyang umalis sa bahay ni Elise.

Sa bar dinala ni John ang sarili. Tinawagan niya si Jed para samahan siya.

“Bro, buti na lang tinawagan mo ko, pupuntahan na nga sana kita sa bahay mo eh.”

“Bakit?”

“Hindi ko kasi makontak ang phone mo, two days ka ng absent, hinahanap mo ba si Gabbie?”

“Mahirap hanapin ang nagtatago, Jed.”

Related Posts

“So, anong balak mo?”

“Babalik sa trabaho at ipagpapatuloy ang buhay…”
“Magagawa mo kaya?”

“Three months lang naka-leave si Gab, hihintayin ko na lang ang pagbabalik niya.”

“Talaga? So bakit tayo umiinom dito sa bar ngayon?”

“Wala lang. Para maglibang.”

“Okay, sabi mo ‘yan ha! Waiter!” sabay baling ni Jed sa waiter para kumuha pa ng order.
Makalipas ang tatlong buwan. Sinadya ni John ang opisina ng boss nila.

“Sir, bakit hindi pa pumapasok si Gabbie?”

“I don’t know, John. I also expected her today pero ni hindi pa siya tumatawag.”

Hindi nakakibo si John.

Tumayo ang matanda at lumapit sa binata.

“Mukhang masyadong naapektuhan ang pamangkin ko sa naging breakup nyo. Ang nakakalungkot do’n, pati ang trabaho niya ay apektado. Hindi ko na nagugustuhan ito, John.

You must a find a way para mailagay sa ayos ang lahat.”

“Y-yes sir…”

Nagsimulang mag-alala nang husto si John nang lumipas pa ang mga araw na hindi man lang nagpaparamdam si Gabbie. Kinausap niya si John.

“Magpa-file ako ng leave kaya ikaw na munang ia-assign ko sa mga trabahong maiiwan ko.”
“Teka lang bro, baka hindi ka payagan ni Boss?”

“Kailangan kong hanapin si Gabbie.”

“Okay fine, sabihin mo lang kung ano pang maitutulong ko sa paghahanap.”

Itinuon ni John ang dalawang kamay sa table niya at saglit na nag-isip. Nakatingin lang sa kanya si Jed.

“Ahm… Jed, ‘di ba may kakilala kang detective, inspector?”

“Yes, si Inspector Dave, actually bestfriend siya ng kinakapatid kong si Alfie.”

“Okay, that’s good, paki-contact mo siya.”

“What? ‘Wag mo sabihing ipapahanap mo sa kanya si Gabbie?” (Itutuloy)