Una sa Balita

Star-Crossed Lovers

By
0 617

Ika-7 na labas

“Don’t worry Gabbie, mare-realize din niya kung ano ang pinakawalan niya and I’ll make sure na makakalimutan mo siya agad, help kitang mag-move on promise!”

Gabi. Hindi makatulog si Gabrielle. Laman ng isip niya si John. Labis siyang nasaktan sa naging desisyon nito. At hindi niya alam kung makakaya niyang makita ito at makasama sa trabaho araw-araw.

Bumangon ang dalaga at muling namintana. Sa tuwing nalulungkot siya ay tumititig lang siya sa langit. Kahit papaano ay nababawasan ang mga pangamba at alalahanin niya kapag nakikita niya ang mga bituin.

Subalit sa pagkakataong ito ay tila hindi mabawas-bawasan ang bigat sa dibdib na nararamdaman niya.

Kung ang pagtanggi niya sa kasal ay hindi maintindihan ni John, ano pa kaya ang mga mas mabibigat na pagdedesisyong hindi nila mapagkakasunduan pagdating ng panahon nanagsasama na sila.

Gayunpaman, hindi pa rin niya maitatanggi sa sarili na mahal na mahal pa rin niya ito.

Kumatok si Jed sa office ni John. Pinapasok siya nito.

“John, may good news ako sa’yo!”

“Is it about work?”

“No!”

Tiniklop ni John ang binabasang documents at saka hinarap si Jed.

“So, what is it?”

“Remember Lucy?”

“Lucy?…” saglit na nag-isip si John.

“Lucy, as in Lucille, your cousin right?”

“Yes, and she’s back from London!”

“Paano naman ito naging good news sa’kin?”

“John, she’s still single now, and she’s still very much in love with you.”

Related Posts

Natigilan si John.

“Are you kidding, teenager pa lang tayo nung magka-crush siya sa’kin, at crush lang ‘yon.”

“Yeah, I know, yun na nga eh, crush na na-develop into love at ang amazing do’n, she proved to herself na isa lang ang taong minahal at mamahalin niya through the years. At ikaw ‘yon! you’re lucky man!”

“Alam ba niya ang tungkol kay Gab?”

“I think so, you have a lot of mutual friends.”

umayo si John.

“Jed, ayoko munang maghanap ng kapalit ni Gab.”

“Okay fine. Pero kung kailangan mo ng companion, just tell me at dadalhin ko si Lucy sa’yo.”
“Puro ka talaga kalokohan.

Nakasalubong ni Jed si Lucy sa lobby.

“Hey Lucy, anong ginagawa mo rito?”

“Pupuntahan ko si John. Di ba sabi mo he’s very single now?”

“Yeah, sinabi ko nga yon, pero agad-agad ba dapat nandito ka?”

“Jed, I’ve wasted so much of time, this is my turn now. Atleast wala akong matatapakang tao di ba?”

Inakbayan ni Jed ang pinsan.

“Tama ka naman don, kaya lang, masyado pang hilaw ang break-up nila, baka ma-wrong timing ka.”

“I think this is the right time para pumasok ako sa eksena, he might need a companion like me.”

Naiiling si Jed at walang nagawa nang pumasok na sa elevator si Lucy at nakangiti pa itong kumaway sa kanya.

Sa mga sandaling ‘yon ay buo na ang desisyon ni Gabrielle. Labag man sa kalooban niya ay papayag na siyang magpakasal kay John. Kahit na hindi pa siya handa ay gagawin na niya ito alang-alang sa pagmamahal niya sa binata.

Masyado kasi siyang binabalot ng kalungkutan sa pakikipaghiwalay sa kanya ni John. Pakiramdam niya ay hindi niya makakayang mawala ito sa kanya. Kaya susundin na niya ang kagustuhan nito na lumagay na sila sa tahimik.

Habang sakay ng elevator ay nagdarasal siya na sana ay maging maayos ang pag-uusap nila ni John at maging okay na ang lahat.

Marahan ang mga hakbang niya habang papalapit sa opisina ng nobyo. Hindi niya alam kung tama ang gagawin niyang panunuyo rito. Ang importante ay magkaayos sila. (Itutuloy)