Una sa Balita

Star-Crossed Lovers

By
0 713

Ika-6 na labas

“Come on John, answer your phone…”

Sa mga oras na iyon ay nasa isang class na bar si John, kasama ang bestfriend niyang si Jed.
“John, are you sure kakayanin mong makipag-break kay Gabbie?” kunot noong tanong ni Jed.

“Why not?”

“Bro, sa dami ng pinagsamahan nyo, to the point that you’ve had a perfect future plan for her, tatapusin mo na lang ba sa ganito ang lahat ng ‘yon?”

“Exactly Jed! That’s exactly why I have to break up with her, I’ve had a perfect plan, at hindi lang ‘yon basta plano, ginawa ko bro, tinotoo ko kung anong mga nasa isip ko, nagpatayo ako ng dream house naming dalawa and surprise her, sa lugar na inakala kong gusto niya, tahimik, payapa… at hindi ko in-expect na sa lugar na ‘yon magtatapos ang mga pangarap ko para sa aming dalawa… just because she’s not ready or maybe she’s not sure her feelings for me…”

Napakibit-balikat na lang si Jed. Nauunawaan niya ang pinanggagalingan ng hinanakit ni John.

“Siguro kailangan ko muna siyang bigyan ng space para naman makapag-isip siya. Kung ano ba talaga ang lugar ko sa buhay niya. Yeah she’s perfect for me, but I guess I have to let her go.” Sabay inom ni John sa natitirang alak sa baso niya.

“Sigurado ka na ba talaga?”

“I think so.”

Desidido na si Gabrielle na kausapin si John kinabukasan. Sinadya niya itong hintayin sa office nito.

Hindi naman siya naghintay ng matagal dahil maya-maya lang ay dumating na ang nobyo. Mula sa pagkakaupo sa swivel chair ay tumayo ang dalaga.

“Hon…”

“Gabby, what are you doing here?”

“You know what I’m doing here, pwede bang pag-usapan natin ‘to.”

Naupo si John sa table niya.

“Are you changing your mind?” tanong ng binata.

“N-No…”

“Well, I am.”

“What?”

“Yes honey, I change my mind, hindi na kita pipliting magpakasal sa’kin, instead, I’m setting you free.”

Natigilan si Gabrielle. Hindi niya inaasahan ang sasabihin ng lalaki.

“Anong ibig mong sabihin?”

Tumayo si John at lumapit sa dalaga.

“I’m letting you go Gabbie, I think this is the best thing to do.”

“This is just a misunderstanding John.”

Related Posts

“No, it’s not. This is about our relationship, about us, and it’s all that matters.”

“So ito yung solusyon mo?”

“You’ve heard me right.” pagkasabi niyon ay hinagkan ni John sa noo ang dalaga bago dinampot ang isang folder na nasa ibabaw ng table at lumabas ng opisina.

Naiwang nakatulala si Gabrielle. Hindi makapaniwala sa mabilis na pagdedesisyon ni John.

Pakiramdam niya ay nanginginig ang buong kalamnan niya. Pero hindi niya matiyak kung galit ba o matinding bugso ng sama ng loob ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Hindi niya namalayan ang pagpatak ng luha.

Sinubukan pa ulit ni Gabbie na kausapin si John pero sa tuwing mag-a-attempt siyang lumapit dito ay iniiwasan naman siya nito.

Parking lot. Pasakay na sa kotse niya si John nang tawagin ni Gabrielle.

“John, please, let’s talk.”

Huminto ang binata sa pagbukas ng kotse at humarap sa dalaga.

“Gabby, this is it, you’ve made your decision and I made my decision too. Hanggang dito na lang tayo, you knew it deep inside your heart.”

“Mahal kita John, hindi ba pwedeng hintayin na lang natin yung tamang panahon para sa kasal?”

“Hindi na tayo mga teenager Gabbie, I want to settle down with you, and it’s now or never.”
Marahang napaatras ang mga paa ng dalaga palayo sa lalaki.

“See?” si John na nakakunot noo.

Sumakay na siya ng kotse at muli ay naiwan si Gabbie.

Tinawagan ni Gabbie ang bestfriend niyang si Elise at nagkita sila sa coffee shop.

“Bes, grabe naman pala ‘yang jowa mo,porket ayaw mo pang magpakasal binreyk ka na agad?”

“Parang gano’n na nga…”

“Baka naman nanghinayang siya do’n sa ginastos niyang pampagawa ng surprise dream house for you!”

“No, I don’t think so, hindi naman masasayang ang bahay na ‘yon kahit ano pang mangyari sa relasyon naming dalawa, it’s there, at pwede niya ‘yong ibigay sa sinumang pakakasalan niya pagdating ng araw.”

“But, every time na makikita niya ang house na ‘yon, I’m sure, maaalala niya kung paano mo siya ni-reject sa proposal niya!” sinundan ni Elise ng tawa ang sinabi.

Hindi naman natawa si Gabbie.

“Sorry bes ha…”

“It’s okay.”

Humigop si Gabbie ng kape.

“Bes, anong plano mo ngayon, tanggap mo na ba agad-agad?”

“Of course not… kaya nga tinawagan kita eh… kasi hindi ko alam kung paano ko tatanggapin…”

Nalungkot si Elise sa sinabi ng kaibigan. Nilapitan niya ito at niyakap. (Itutuloy)