Una sa Balita

Star-Crossed Lovers

By
0 713

Ika-33 na labas

“I’m not sure pero I have to know.”

“Okay, so pupunta tayo sa isla at hahanapin siya do’n at kapag nakita natin, then what? Sasabihin mo sa kanya na buntis si Gabbie at siya ang ama?”

“Exactly!”

“Well, that’s the right thing to do, pero ang tanong, kaya mo ba talagang gawin ‘yon?”

“I have no choice. Wala na akong aasahan kay Gabbie.I think I did my best to win her back but she loves that man and I have to give way…”

“That’s the real man!” sabay tapik ni Jed sa balikat ni John.

Kasama si Jed ay nagtungo nga si John sa isla. Nakatayo na ulit ang dating nasunog na resort. Subalit hindi niya roon nakita si Dave.

“Bumalik siya sa dati niyang inuupahan at madalas ko siyang makitang mag-isa sa dalampasigan. Sa tingin ko, nabubuhay siya sa kalungkutan.” Si Manong Jo.

“Gano’n po ba, sige po salamat…pupuntahan na lang namin siya do’n.”

“John, sana magkaayos na kayo.” Pahabol ng matanda.

“Don’t worry manong, everything’s gonna be alright.”

Hindi sa inuupahang bahay natagpuan nila si Dave kundi sa dalampasigan kung saan ito madalas makita ni manong.

“DAVE!”

Napalingon si Dave at nagulat nang makita ang dalawa.

“Anong ginagawa niyo rito?”

“Pwede ba tayong mag-usap?”

Related Posts

Dumistansya si Jed sa dalawa para makapag-usap ang mga ito.

“Anong kailangan mo sa ‘kin John?”

“Actually wala…wala akong kailangan sa’yo, pero kailangan ka ng mag-ina mo.”

“Mag-ina ko?”

“Oo, tama ang narinig mo. Kahit nagpaubaya ka na, panalo ka pa rin.”

Pagkasabi niyon ay isang suntok ang tinanggap ni Dave mula kay John. Hindi gumanti ang una.

“Para saan ‘yon?”

“Para sa pagkapanalo mo at pagkatalo ko!”

“Sandali nga John, pwede bang linawin mo, ang tungkol sa mag-ina ko, ibig bang sabihin buntis si Gabbie?”

Tumango si John.

Isang malalim na paghinga ang hinugot ni Dave bago tumingala sa langit.

“Thank you Lord!”

Naiiling naman si John.

“John, I’m sorry, natutuwa ako sa ibinalita mo, pero maniwala ka, hindi ko gustong masaktan pa kita, kaya nga ako lumayo!”

“Alam ko. Pero ginawa ko na ang lahat, inoffer ko na rin ang sarili ko para maging ama ng anak mo, pero ikaw na talaga ang mahal niya…”

Parang gustong maiyak ni Dave sa narinig. Nahihirapan siyang paniwalaan ang lahat.

“Dave, may problema ka pa…”

“Ano na naman?” (Itutuloy)