Una sa Balita

Star-Crossed Lovers

By
0 713

Ika-32 na labas

“Thank you.” Pagkasabi niyon ay nagpaalam na rin si Gabrielle.

Makalipas pa ang isang buwan ay inabala na lang ni Gabbie ang sarili sa trabaho. Habang si John ay patuloy siyang sinusuyo.

“Hello hon, dinalhan na kita ng merienda, mukhang masyado kang busy eh.”

“John, you don’t have to do this.”

“Bakit Gabbie, siya pa rin ba ang nasa isip mo? Iniwan ka na niya diba?”

“Iniwan niya ko para sa’yo John.”

Natigilan si John. Tumayo si Gabbie at lumapit sa kanya.

“Oo John, alam ko na. Alam ko na kapatid mo siya.”

“Paano mo nalaman?”

“Hindi na mahalaga ‘yon, mas importante ang sasabihin ko sa’yo.”

Naghintay ang binata sa sasabihin ng dalaga.

“Alam mo, gusto ko sana na siya ang unang makaalam nito, pero para matigil na ang panunuyo mo sa’kin, sige sasabihin ko na sa’yo…”

Kinuha ni Gabbie ang kamay ni John at inilagay iyon sa tiyan niya.

“Ito…ang dinadala ko…ay anak niya…”

Labis ang pagkabiglang rumehistro sa mukha ni John. Hindi makapaniwala.

“John, I’m sorry…I love this child, and I love him so much.”

Hindi makaapuhap ng sasabihin si John. Daig pa niya ang pinagbagsakan ng langit at lupa.

Nagmamadali siyang lumabas sa office ni Gabbie.

Mabigat din ang loob ni Gabbie. Hindi niya gustong masaktan ng labis si John. Pero wala na siyang choice.

Sinubukan pa rin ni Gabbie na ipahanap si Dave pero walang makapagsabi kung nasaan ito.

Maski si Alfie.

“Parang ikaw si Dave, pag may problemang ayaw harapin tumatakas, nagpapakalayo-layo…” ani Alfie habang kumakain sila nina Gabbie at Elise sa isang restaurant.

“Pero kung malalaman niya na buntis itong bestfriend ko siguradong magkukumahog iyon pabalik diba?”

“Oo naman, kung ako nga natuwa, siya pa kaya!”

“Alfie, tingin mo ba, hindi siya babalik sa parents niya?”

“I don’t think so. Pwede siguro kung dadalawin pero kung magstay, no way, ‘yon ang pagkakilala ko sa kanya sa tagal ng pagkakaibigan namin!”

“Teka…may naalala kasi ako eh…kung magkapatid sila ni John, siguro alam din niya yung bahay ng lola nila sa Laguna?”

“Bakit di ko alam ‘yon?” napapakamot sa ulong tanong ni Alfie.

Kasama si Elise ay nagpunta si Gabbie sa Laguna. Sa dati nilang pinuntahan ni John.

“Halika, tuloy kayo Ma’am Gabbie.”

Related Posts

Hinainan ng tinapay at juice ni manang ang magkaibigan. Napatingin ito sa tiyan ni Gabbie.

“Manang, tama po ang iniisip nyo, buntis po ako…pero hindi po si John ang ama, si Dave, ang kapatid niya…”

“H-ha?”

“Mahabang story po pero maniwala po kayo, hindi ko ginustong masaktan si John.”

“Si Dave?”

“Opo, si Dave…”

“Ang batang ‘yon…”

“Teka po, marami po ba kayong alam tungkol sa kanya?”

Humugot ng malalim na paghinga ang matanda bago sumagot.

“Oo naman, inalagaan ko silang pareho nung maliliit pa sila…si Dave ay isang batang magulo, makulit… siya yung tipong gagawin ang nais niya. Ayaw na ayaw niya nang napapagalitan. Ayaw niya nang hinihigpitan hanggang sa dumating sa puntong nagkaroon siya ng lakas ng loob na maglayas. Gusto niyang ipakita sa mga magulang niya na kaya niyang mabuhay mag-isa kahit sa napakamurang edad pa lang noon. Gayunpaman, alam kong may kabutihan din sa puso ang batang ‘yon. Bago siya umalis, ibinilin niya sa aking mabuti na alagaan ko at ingatan ang kanyang pamilya…na huwag ko silang pababayaan…”

Nagkatinginan sina Gabbie at Elise.

“Teka, maari nyo bang ikuwento sa akin ang mga nangyari?”

“Opo manang…”

Matapos ang mahabang pakikipagkwentuhan sa matanda ay umalis na rin ang magkaibigan at bumalik sa Manila.

Pagdating ni Gabbie sa kanila ay hindi niya inaasahang madaratnan doon si John. Nakaupo ito sa sofa at tumayo nang makita siya.

“Pinapasok na ako ng maid mo.”

“Anong ginagawa mo rito John?”

Naupo sila pareho.

“Gabbie… I’m sorry kung I keep bothering you…hindi ko kasi magawang itapon na lang basta ang pinagsamahan natin eh…”

“John, alam mo na ang sitwasyon ko.”

“Yes I know… pero handa akong maging ama ng batang ‘yan, just to prove you kung gaano kita kamahal…kalimutan mo lang si Dave…”

Napapikit si Gabbie.

“Please John, mahal ko si Dave at ayokong maging unfair sa’yo…kung ipapaako ko sa’yo ang batang ito at makikisama ako sa’yo for the sake of our past relationship, hindi ito makakaya ng konsensya ko…”

“So are you telling me na wala na talagang pag-asa na maibalik natin ang dati?”

“Nangyari ang lahat ng may dahilan John, we must accept it…”

Umalis si John na dala ang bigat sa dibdib.

Subalit katulad ni John ay mabigat na mabigat din ang kalooban ni Gabbie. Naaawa siya kay John. Pero hindi naman siya pwedeng magpadala sa awa dahil lalo lang itong magiging kaawa-awa kung muli niya itong tatanggapin sa buhay niya nang hindi na niya ito minamahal katulad ng dati.

Malungkot na inihatid niya ng tanaw ang binata habang papalayo ito sakay ng kotse.

“Goodbye John…” bulong niya sa sarili.

Nagdesisyon si Gabbie na pumunta sa ate niyang nasa Canada at doon hintayin ang kanyang panganganak. Sinang-ayunan naman ito ni Elise para hindi na siya mag-alala pa sa kaibigan kakaisip nito kay Dave.

Samantala. Isang desisyon rin ang nabuo ni John.

“Wait, tingin mo talaga sa islang ‘yon maglalagi ang kuya mo?” Si Jed.

Magkasama silang umiinom ni John sa isang bar. (Itutuloy)