Una sa Balita

Star-Crossed Lovers

By
0 617

Ika-31 na labas

Mula sa sofa ay tumayo si Gabbie at lumapit sa bintana.

“Hindi ko maintindihan Elise. Kung talagang mahal niya ako, bakit kailangan niyang magdesisyon ng gano’n?”

“Hindi ko rin siya ma-gets, pero don’t worry bes, kakausapin ko siya.”

“Wag na. Ayoko naming magmukhang naghahabol.”

“Di naman gano’n, saka hindi ko naman sasabihin na alam mo ang pagkausap ko sa kanya, sikreto lang ba, parang gano’n. Aalamin lang natin kung ano talaga ang dahilan.”

Hindi sumang-ayon ang dalaga sa kaibigan pero hindi rin siya tumutol.

Pinuntahan nga ni Elise ang opisina ni Dave. Nagulat siya nang makita niyang pasakay sa elevator si John.

“A-anong ginagawa niya rito?”

Sumakay siya sa kabilang elevator at palihim itong sinundan.

Lalo siyang nagulat nang pumasok ito sa office ni Dave.

“OMG, sabi ko na nga ba…mag-aaway na naman ba sila?”

Maingat na humakbang si Elise patungo sa pintuan ng opisina ni Dave. Inilapat ang teynga sa nakasarang pinto.

“So, you’re leaving?”

“Ikaw pala John…”

Lumapit si John kay Dave.

“Mukhang you’re going to somewhere.”

“Yeah. I think this is the right thing to do.”

“So, ibig bang sabihin nito na you’re leaving alone at ipapaubaya mo na sa’kin si Gabbie?”

Hindi agad nakasagot si Dave.

“No. Oo hindi ko na siya hahabulin, but it doesn’t mean na babalik siya sa’yo. Nasa sa kanya pa rin ang desisyon.”

“I don’t care, ang importante sa akin ngayon ay mawawala ka na sa pagitan namin.”

“Iyan lang ba ang ipinunta mo rito John?”

“Actually there’s one more thing. Sina mom and dad…they’re waiting for you.”

Natigilan si Dave.

“Bakit mo sinabi sa kanila?”

Related Posts

“We’re not getting any younger, and so are they. So please stop acting like you really don’t care about them. Well, what do I expect, sarili mo nga lang pala ang iniisip mo.”

Nagtiim bagang si Dave.

“Okay fine, ikaw yung mabuting anak, mabuting kapatid, mabuting boyfriend at mabuting tao. Then just leave me alone. And don’t ever pretend na may pakialam ka sa akin.”

Kinuha ni Dave ang picture sa wallet niya at inihagis iyon kay John.

“Matagal kong iningatan ang picture na ‘yan, pero ngayon, wala na yang halaga sa’kin.”

Akmang tatalikuran na ni Dave si John pero muli itong lumingon.

“Isa lang ang hihilingin ko sa’yo, kapag bumalik sa’yo si Gabbie, ingatan mo siya at mahalin ng higit sa pagmamahal ko, or else, babalik ako para kunin ulit siya sa’yo. At kung hindi naman siya babalik sa’yo, just respect her decision and let her go.”

Nagmamadaling nagkubli sa halaman si Elise nang lumabas sa opisina si Dave.

Hindi makapaniwala si Elise sa mga narinig. Dumiretso agad siya kay Gabbie. Inabutan niya itong nagdidilig ng halaman.

“Believe it or not bes, magkapatid sila, at mukhang kalian lang nila ito nalaman, I don’t know how or when pero sure talaga ko sa narinig ko!”

Nabigla si Gabrielle.

“Kaya ba gusto na niya akong iwasan?”

“Malamang gano’n na nga.”

Walang masabi ang dalaga. Rumehistro ang kalungkutan sa mukha niya at gusto niyang maiyak.

“Bes, kailangan malaman nan i Dave asap na dinadala mo ang anak niya bago pa siya tuluyang lumayo sa’yo!”

“Pero paano kung hindi niya ito tanggapin?”

“Imposible ‘yan. Sa tingin ko gusto lang niyang magpaubaya kay John, sa kapatid niya, pero kapag nalaman niyang magiging daddy na siya, he will never ever let you go!”

“Sige, susubukan ko siyang tawagan ulit or puntahan.”

“Mas mabuti kung puntahan mo na siya sa condo niya para magkausap kayo ng personal.”

Tango na lang ang isinagot ni Gabbie.

“Ano pang hinihintay mo? Now na, ako na ang magpapatuloy sa pagdidilig mo!”

Kinuha ni Elise ang hose kay Gabbie.

Subalit wala na sa condo niya si Dave. Nagbakasakali pa rin siya sa opisina nito pero wala na rin ito doon at hindi masabi ni Alfie kung saan ito maaring pumunta.

“Sorry Gabbie, pero di ko na siya makontak eh, sinadya niya atang patayin ang phone niya.”

Si Alfie na sinusubukan pa ring mag-dial.

“Sige, salamat na lang, Kung sakaling magkausap kayo, pakisabi na lang sa kanya na may importante akong sasabihin.”

“Okay sige, don’t worry, hahanapin ko siya for you.” (Itutuloy)