Una sa Balita

Star-Crossed Lovers

By
0 713

Ika-30 na labas

Hindi pumasok si John sa company at hindi rin nagpaparamdam si Dave. Kaya naman nagtataka na si Gabbie. Hindi na niya napigilan ang sarili na tawagan si Dave.

Pero cannot be reached ito. Nagpasya siyang puntahan na lang ito sa opisina. Si Alfie ang inabutan niya doon.

“Gabbie!”

“Hello, nandito ba si Dave? Pwede ko ba siyang makausap?”

“Ahm, actually ilang araw na siyang hindi pumapasok, pero kung gusto mo sasamahan na lang kita sa condo niya?”

“Gano’n ba? S-sige, may importante lang kasi akong sasabihin sa kanya…”

“Sure, no prob, dito ka muna, aayusin ko lang ang gamit ko and then go na tayo, teka anong gusto mong inumin or kainin?”

“No thanks, maghihintay na lang ako dito.”

“Okay.”

Habang mag-isang naghihintay sa opisina ni Dave ay kinuha ni Gabbie ang picture frame ng binata na nakapatong sa table nito. Pinagmasadan niya iyon. Hindi niya namamalayan na nakangiti na pala siya.

“EHEM!” si Alfie na mabilis ding nakabalik.

“Let’s go?”

“Let’s go.”

Maya-maya pa ay nasa harap na sila ng condo ni Dave.

“So pa’no Gabbie, maiwan na kita rito?”

“Oo Alfie, salamat.”

Ilang pindot sa doorbell bago nagbukas ang pintuan. Nagulat si Dave nang makita ang dalaga.

“G-Gabbie…anong ginagawa mo rito?”

“Bakit Dave, ayaw mo ba akong makita?”
“No, hindi sa ganon…”

“Hindi ko makontak ang phone mo…kaya pinuntahan na lang kita. Can we talk?”

“Tuloy ka muna.”

Pinaupo ni Dave si Gabbie sa sofa at binigyan ng maiinom.

“May gusto ka bang kainin?” tanong ng binata.

“Hindi wala.”

Related Posts

Saglit na naghari ang katahimikan.

“Ahm, Gabbie…sorry sa lahat ha…sorry din kung sasabihin ko sa’yo na…ito na ang huli nating pagkikita…”

Nabigla ang dalaga.

“Anong ibig mong sabihin?…”

“May mga personal na bagay lang akong gustong ayusin sa buhay ko.”

Hindi makakibo ang dalaga. Paano pa niya ngayon sasabihin sa binata ang tungkol sa pagbubuntis niya kung tila gusto na siya nitong iwasan?

“Teka, ano nga pala yung pag-uusapan natin?”

“H-hindi, wala, sige hindi na rin ako magtatagal.” Pagkasabi niyon ay nagmamadaling umalis ang dalaga. Hinabol siya ni Dave pero mabibilis ang mga hakbang niya.

Nkaramdam ng guilt si Dave. Pakiramdam niya ay itinaboy niya si Gabbie. Labag ito sa kalooban niya pero kailangan niya itong gawin alang-alang kay John, ang tunay niyang kapatid.

Ilang minuto lang ang nakalipas nang makaalis si Gabbie ay si Alfie naman ang naging bisita ni Dave.

“Tol, si Gabbie?”

“Umalis na siya.”

“Ha? Ang bilis naman, bumili pa naman ako ng merienda kala ko aabutan ko pa siya dito!”
Malungkot na ibinagsak ni Dave ang sarili sa sofa.

“O, anong problema?”

“Tol, ‘di ba nasabi ko na sa’yo yung nalaman ko tungkol sa amin ni John?”

Inilapag ni Alfie sa center table ang burger and softdrinks na binili at saka tinabihan si Dave sa upuan.

“Oo nga pala…ano bang plano mo?”

“Pinag-isipan kong mabuti…at nagdesisyon ako na iiwasan ko na lang si Gabbie para kay John…”

“Teka, teka, di naman yata ‘yon, paano kung ikaw talaga ang mahal ni Gabbie at hindi yung kapatid mo? Past na niya ‘yon eh…”

“Pero mahal na mahal pa rin siya ni John.”

“Ewan ko ha, pero alam mo tol, si Gabbie lang ang may karapatan magdesisyon tungkol sa bagay na ‘yan eh. Sa tingin mo ba kapag tinalikuran mo si Gabbie, babalik siya kay John?”
Saglit na nag-isip si Dave bago sumagot.

“Pwedeng oo, pwedeng hindi. Pero at least hindi na sasama ang loob sa’kin ng kapatid ko.”
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Alfie.

“Sana hindi mo pagsisihan ang desisyon mo sa bandang huli Dave. But if I we’re you, ipaglalabang ko ang pag-ibig ko, no matter what and no matter who will get hurt, dahil wala ng mas hihigit pa sa tunay na pag-ibig.”

Hindi kumibo si Dave. Gusto niyang sang-ayunan si Alfie pero buo na talaga ang desisyon niya.

Dinalaw ni Elise si Gabbie sa bahay ng huli.

“Gab, hindi ko na itatanong kung okay ka, obvious naming hindi eh.” (Itutuloy)