Una sa Balita

Star-Crossed Lovers

By
0 617

Ika-3 na labas

“So anong plano mo, maging nice pa rin?”

“I always been nice to all the women, at hindi ako magbabago dahil lang sa isang babae.”

“Okay fine. Sana lang hindi maligaw yung babae na makakatapat mo para makarating siya sa’yo at bigyan ka ng leksyon!”

“Anong sinasabi mo? Wala akong ginagawang masama!”

“Akala mo lang ‘yon, hirap sa’yo masyado kang pa-fall! Gurang ka na kaya!”

“Wow ‘tol, pa-fall agad? Hindi ba pwedeng mabait lang talaga ko? Saka going to 35 pa lang ako, nagsisimula pa lang ang highlight ng buhay ko!”

“Ewan ko sa’yo, naaawa lang naman ako kay Cathy.”

“Talaga? why don’t you comfort her? Baka kayo ang destiny at hindi sila ng bf niya!”

Tawa na lang ang isinagot ni Alfie mula sa kabilang line at ibinaba na nito ang phone. Naiiling na sumakay ng kotse si Dave.

Mula sa bintana ng bahay ay nakatanaw si Gabbie sa labas. Hinihintay ang pagdating ni John para sunduin siya at ihatid sa seminar venue. Panay tingin niya sa pambisig na orasan.

“Bakit kaya wala pa siya?”

Ang kaba at pag-aalala ay nawala nang matanaw na ni Gabbie ang paparating na kotse ng lalaki. Sinalubong agad niya ito sa labas.

“Hon, bakit ngayon ka lang?”

“May mga importanteng bagay pa kasi akong inasikaso after ng seminar.”

“Gano’n ba, ano naman?”

“Malalaman mo rin, but for now sumakay ka na sa kotse para makaalis na tayo.”

“Okay.”

Maya-maya pa ay tinatahak na ng kotse nila ang isang maluwang na kalye.

“H-hon? Sigurado ka ba ito yung daan?”

“Oo naman. Why?”

“Kasi parang hindi ito yung way sa tsinek nating venue diba?”

“Relax ka lang hon, may mga shortcut lang tayong dinaanan.”

Kahit papa’no ay napanatag na si Gabbie.

“Akala ko kasi naliligaw ka eh.”

“Actually mas madaling puntahan itong second venue kaysa do’n sa pinagseminaran namin kanina.”

Hindi na umimik si Gabbie at isinandal na lang ang likod.

Related Posts

Maya-maya pa ay nakarating na sila sa pupuntahan. Pero napakunot-noo si Gabrielle.

“John, where are we?”

“Nandito tayo sa magiging palasyo natin.”

Ipinagbukas ni John ng pinto ng kotse ang dalaga at inalalayan ito sa pagbaba.

“Hon, hindi ko maintindihan, anong ginagawa natin dito sa harap ng malawak na bakuran at malaking bahay?” tanong ni Gabrielle.

Hinawakan ni John ang kamay ng dalaga. Kinuha mula sa sariling bulsa ang isang singsing na obviously ay mamahalin sa ganda at uri nito.

“I can’t wait any longer honey, let me take care of you for the rest of your life… marry me and be my wife…”

Natulala si Gabrielle. Hindi siya makasagot. Naghihintay lang si John. At na-disappoint ito nang bawiin ng dalaga ang kamay.

“John…”

“Gabbie, what’s wrong?”

“N-nothing wrong, but…”

“Yeah, all the buts and the doubts.” Tila nahihinuha na ni John ang isasagot ng nobya.

“Di ba napag-usapan na natin ‘to?”

“I know, but look at my surprises, dito sa lugar na gusto mo, tahimik at payapa, hindi ka ba naa-amaze? I build that house secretly, with all my hopes and prayers, with our dreams, and I expect na after mong makita ito ay makukumbinsi na kitang magpakasal.”

“I am amaze and I am thankful, mahal kita John, pero alam mo namang hindi pa’ko handa diba?”

“Sa anong dahilan? We’re not getting any younger and we both have a stable job, and most of all we love each other so much, ano pa bang kulang?”

Napayuko si Gabbie sa tanong ni John. Ano pa nga ba ang kulang? Ano pa bang kailangan niyang paghandaan? Bakit hindi niya iyon mahanapan ng kasagutan?
Saglit na katahimikan ang naghari bago muli iyong binasag ng lalaki.

“Okay, so here we go again, I guess this is it, all my plans are failed once again.”

Ibinalik ng binata sa bulsa ang hawak na singsing kasabay ng pagbuntong hininga.

Humawak si Gabbie sa braso ng nobyo. Inalis ito ng binata.

“Hon, I didn’t mean to hurt you, sana naman maintindihan mo, ayoko pang lumagay sa tahimik… ’wag tayong magmadali… please?”

Kahit anong pakiusap at lambing ng pagkakasabi ni Gabbie, hindi pa rin siya maunawaan ni John. Tinalikuran siya nito at sumakay na ng kotse. Tahimik na lang siyang sumunod.

Dumiretso sila ng uwi sa lumang bahay. Walang kibuan. Ramdam na ramdam ni Gabbie ang sama ng loob at bigat ng kalooban ni John.

Malalim na ang gabi. Bagama’t nakapikit ay gising na gising pa rin ang diwa ni John.

Nakahiga siya sa sofa at nakapatong ang isang braso sa noo. Nakatingala sa kisame. Pinag-iisipan ang mga nangyari kanina.

“I don’t understand…”

Iniisip niya kung ano ang pumipigil kay Gabbie para hindi magpakasal sa kanya. Kulang pa ba ang pagmamahal na naipakita niya. He thought they are perfectly in love with each other.

She’s perfect for her and he wants a perfect life with her.

“Pero bakit? bakit Gabbie?…” (Itutuloy)