Una sa Balita

Star-Crossed Lovers

By
0 617

Ika-28 na labas

“Huwag mo na akong susundan. Gusto ko munang mapag-isa at makapag-isip.”

“Pero Gabbie, hindi ko kayang mawala ka.”

Wala ng tugon mula sa dalaga. Nagsimula na itong humakbang palayo.

“Gabbie!”

Sumunod pa rin si Dave.

“Dave, please?”

“Pakinggan mo muna ako Gabbie.”

“Ako ang pakinggan mo Dave, hayaan mo muna ko. Nakikiusap ako sa’yo.”

“O sige, ihahatid na lang kita.”

“Hindi na. Kaya ko ang sarili ko.”

Wala ng nagawa si Dave kundi tanawin ang dalaga habang palayo ito.

“Mahal kita Gabbie, mahal na mahal! Wag mong kakalimutan ‘yan!” habol na sigaw ni Dave.

Pagkaalis ni Gabbie ay naghanda na rin si Dave sa pag-alis. Wala na siyang dahilan para manatili pa sa isla.

Walang pagsidlan ang galit ni John nang makabalik sila sa Manila. Hindi siya makapaniwalang naisahan siya ng inupahan niyang inspector. Lahat ng mahawakan niya sa bahay ay ibinabalibag niya.

“Hey bro, ang mamahal ng binabasag mo, relax ka muna!” awat ni Jed.

“Paano ako mare-relax kung yung babaeng pinakamamahal ko at pinapahanap ko ay natagpuan ko sa piling ng ibang lalaki at nakatapis pa ng tuwalya? Ibig sabihin may nangyari na sa kanila! Samantalang 2 years ang naging relasyon namin, iginalang ko siya, iningatan ko! Tapos yung lalaking ‘yon na bago lang sa buhay niya ay makukuha siya ng ganon-ganon na lang?”

“Naiintindihan kita bro.”

“At ang pinakamasakit pa do’n, alam kong hindi niya magagawa ‘yon nang hindi niya minamahal ang lalaking ‘yon… kilala ko si Gabbie… kung nagawa niyang isuko ang sarili niya nang ganon kadali, ibig sabihin, mas mahal niya ang lalaking ‘yon kaysa sa’kin…” nanghihinang naupo si John sa isang sulok.

“So, anong balak mo?”

“Hindi ako papayag… hindi ako papayag na maagaw siya sa akin ng Dave na ‘yon! Pagbabayarin ko ang lalaking ‘yon!”

Nakabalik na rin sa Manila si Gabrielle. Una niyang pinuntahan ang bestfriend niyang si Elise sa bahay nito. Niyakap agad siya nito pagkakita sa kanya.

“Bes thank God you’re back!”

Magkatabi silang naupo sa sofa.

“Anong gusto mong kainin?” tanong ni Elise.

“Juice na lang and sandwich kung meron ka.”

“Don’t worry meron, kasi kaka-grocery ko lang kahapon.”

Saglit siyang iniwan ni Elise para kumuha ng juice at sandwich.

“O, here na.”

Related Posts

“Thank you bes.”

“Bes, alam ko marami kang pasalubong na kuwento sa’kin. Excited na ‘kong making!”

“Oo, kaya nga ikaw ang una kong pinuntahan, kailangan ko talaga ng makakausap…”

Matapos kumain ay inumpisahan nani Gabbie ang magkuwento tungkol sa problema niya.

Ang tungkol sa pagtatago niya. Ang pagkakakilala niya kay Dave. Ang pagkahulog ng loob nila sa isa’t isa. At ang pagkakatuklas niya sa tunay na katauhan ni Dave sa pagdating ni John doon.

Hindi makapaniwala si Elise lalo na nang malaman niya na naisuko ni Gabbie ang bataan ng ganoon lang kadali.

“Bes naman, ganoon mo ba talaga kamahal ang Dave na ‘yon?”

“Sorry bes, maski ako hindi ko maintindihan ang sarili ko…”

“So, anong plano mo ngayon?”

“Hindi ko pa alam… siguro pareho ko na muna silang iiwasan…”

Hinawakan ni Elise ang kamay ni Gabbie.

“Bes, pag-isipan mong mabuti, pero hindi pwedeng magtatago ka na naman at iiwasan ang problema… kausapin mo sila pareho at lagyan mo ng closure ang gusto mong isara, at i-open mo naman ang puso mo para doon sa tao na mahal mo talaga.”

“Thank you Elise, pag-iisipan ko ang sinabi mo…”

Pagdating ni Dave sa Manila ay katakot-takot na sermon ang inabot niya kay Alfie. Pinuntahan siya nito sa condo.

“Dave nag-iisip ka ba? Siguradong malalagot ako nito sa kinakapatid ko!”

“Oo na, kasalanan ko na, pero anong magagawa ko na-in love ako kay Gabbie at alam kong ganon din siya sa’kin.”

“Kung mahal ka rin niya, bakit ka niya iniwan din di ba?”

“Naguguluhan lang siya dahil nagsinungaling ako sa kanya.”

“So anong mangyayari ngayon?”

“Hindi ko alam, basta ang sigurado ko lan

 pupuntahan ko siya at patutunayan ko ang pagmamahal ko sa kanya.”
“Ikaw ba ‘yan tol? Hindi na kita makilala!”

“Maski ako hindi ko na rin kilala ang sarili ko. Pero malinaw ang isip ko tol, hindi ko na pakakawalan si Gabbie.”

Nagpatuloy si Dave sa panunuyo kay Gabbie sa pamamagitan ng halos araw-araw niyang pagpapadala ng bulaklak sa opisina nito. Hindi rin nilulubayan ni John ang dalaga sa pagnanais nitong maibalik ang pagmamahal ng dating nobya. Subalit nanatiling mailap sa kanila si Gabbie.

Halos magkasabay na pumarada ang kotse nina Dave at John sa harap ng bahay ni Gabbie. Nakasarado ang gate. Naunang bumaba ng kotse si John. Hinarap nito si Dave.

“Anong ginagawa mo rito?”

“Gusto kong makausap si Gabbie.” Sagot ni Dave nang nanatili sa manibela.

“Inspector Dave, hindi ka pa ba nakuntento sa ginawa mo sa kanya sa isla, kaya hanggang dito sinusundan mo pa rin siya. Ako lang ang may karapatan kay Gabbie. She’s still my girlfriend.”

“And you are her EX-boyfriend John. Siguro nga kasalanan ko na minahal ko siya, pero siya lang ang may karapatan magdesisyon kung sino ang haharapin at tatalikuran niya sa ating dalawa. At wag mong kalilimutan na kaya siya nasa isla ay dahil sa sakit na idulot mo sa kanya at ako ang gumamot non.”

“Sige, patunayan mo sa’kin na kaya mo siyang ipaglaban, bumaba ka diyan at harapin mo ako!”

Hindi nagdalawang isip si Dave. Bumaba ito at hinarap nga si John.

“Patawarain mo ko John, hindi ko sinasadyang mahalin siya, at alam kong ganoon din siya sa’kin, kaya kung pwede hayaan mo na lang kami.” (Itutuloy)