Una sa Balita

Star-Crossed Lovers

By
0 617

Ika-27 na labas

“Ano pa ang alam mo na hindi ko alam Dave? Sabihin mo na sa akin ang lahat para pagkatiwalaan kita.”

Nilapitan ni Dave si Gabbie. Malapit na malapit.

“Gabbie… ang alam ko lang… mahal na kita… mahal na mahal…”

Dahil sa sobrang lapit ng mukha nila ay hindi halos makahinga ang dalaga. Bumilis kasi ang pagtibok ng puso niya. Marami pa siyang gustong itanong sa binata pero tila napipi ang bibig niya.

“Dave please… don’t get any closer…”

“Why?”

“Because…”

Bago pa matapos ni Gabbie ang sasabihin ay nailapat na ni Dave ang labi nito sa mga labi niya. At hindi niya maintindihan kung bakit tila nahihipnotismo siyang nagpatianod na lang sa kagustuhan nito. Hinayaan niyang malasap ng mga labi ni Dave ang tamis ng labi niya. Hinayaan niyang anurin sila ng pag-ibig na pigilan man ay kusang yumayakap sa kanila.

Ang isang simpleng halik na iyon ay labis na nagpaalab sa kanilang mga damdamin hanggang sa humantong sila sa silid at doon ay nakipaglaro sila sa kanilang mga damdamin. Mga damdaming nag-uumapaw sa kasabikan sa bagong pag-ibig.

Bawat halik, bawat haplos at yakap ng isa’t isa sa kanilang mga katawan ay nagsasabing ikaw lang at ako hanggang wakas. Nag-aanyaya sa kapusukan na napagkasunduan ng puso’t isipan.

Malalim na ang gabi. Nakatulog si Gabbie na nakaunan sa braso ni Dave. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakadama ng kapayapaan ang binata sa piling ng isang babae.

Napakakomportable ng pakiramdam niya bagama’t nasa isip pa rin ang mga alalahanin tungkol kay John ay hindi maikakailang labis ang kaligayahang nararamdaman niya ngayon na nasa piling niya si Gabbie. At hinihiling niya na hindi na ito matapos. Na makalimutan na sila ng nakaraan.

At higit sa lahat, lalong napamahal sa kanya si Gabbie nang malaman niyang virgin pa ito. Hindi siya mapalagay sa isiping iyon.

Tiningnan niya ang nahihimbing na mukha ng dalaga. Alam nito ang sakit na naidulot niya rito kanina subalit alam din niya na napaligaya niya ito ng sobra. Isang masuyong halik ang iginawad niya sa noo nito. At saka hinaplos ng marahan ang pisngi nito.

Kinabukasan ay naalimpungatan sina Dave at Gabbie dahil sa sunud-sunod na katok.

“May tao.”

“Dito ka lang, ako na ang magbubukas.”

Tumayo si Dave at nagtapis lang ng tuwalya sa bandang ibaba ng katawan saka lumabas ng silid. Nagulat siya pagbukas niya ng pintuan. Bumungad sa kanya sina John at Jed.

“Inspector Dave, bakit parang nakakita ka ng multo?” si John.

“A-anong ginagawa nyo rito?”

“Dave, hindi mo man lang muna ba kami papapasukin para makapag-usap tayo sa loob?” si Jed.

Hindi na hinintay ng dalawa na papasukin sila ni Dave, kusa na silang pumasok sa loob at naupo sa upuan.

“May nakapagsabi sa amin na nandito ka, dala kasi namin ang picture mo at ni Gabbie.

Sinuwerte lang kami dahil may nakapagturo sa amin nitong inuupahan mo. Anong balita Dave?” tanong ni John.

Hindi makakibo si Dave dahil inaalala niya si Gabbie na nasa loob lang ng silid.

“Dave, ang sabi ni Alfie, hindi mo raw nakita dito sa isla si Gabbie, pero nagtataka ako kung bakit nandito ka pa?” muling tanong ni John.

Related Posts

Hindi pa rin makasagot si Dave. Hindi siya makaapuhap ng sasabihin.

“John, h-hindi mo naman ako kailangan sundan sa bawat lakad ko…”

“Yeah I know, pero naiinip na’ko Inspector Dave, nauubos na ang pasensya ko.”

Pare-pareho silang napalingon sa dalagang lumabas mula sa silid. Nakatapis din ng tuwalya.

Gulat na gulat si Gabbie nang makita sina John at Jed. Subalit doble ang pagkabigla ni John pagkakita kay Gabbie at sa ayos nito.

Makahulugang nagkatinginan sina John at Dave.

“So you’re here… with this guy?” may apoy sa mga mata ni John.

“John, magpapaliwanag ako…” si Dave.

Isang malakas na suntok ang pinadapo ni John sa mukha ni Dave.

“Anong ipapaliwanag mo Dave? Inspector Dave, I hired you para hanapin ang girlfriend ko hindi para asawahin siya!” nangngangalit ang bagang na sabi ni John.

“Inspector Dave?” si Gabbie.

Nilapitan ni John si Gabbie.

“Magbihis ka na Gabbie, iuuwi na kita.”

“Sandali lang. hindi ako sasama sa’yo John.”

“Now what? Nainlove ka na sa gagong ‘to?”

“Leave us alone!”

Hindi makapaniwala si John sa tinuran ng dalaga. Ganoon din si Jed na natulala sa mga pangyayari.

“Sasama ka sa akin Gabbie.”
“NO!”

“Tell me na ako ang pinipili mo kaysa sa lalaking ‘to!”

“Umalis ka na John… please?” pakiusap ng dalaga.

“Sige, aalis ako ngayon, pero hindi ako papayag na ibabasura mo na lang ako dahil sa lalaking ito!”

Galit na umalis ang dalawa. Hindi makatingin si Dave kay Gabbie nang maiwan sila.
“So, isa ka palang inspector na inupahan niya para hanapin ako…”

“I’m sorry Gabbie… nainlove ako sa’yo kaya itinago ko ang lahat… minahal kita nang di sinasadya kaya natakot akong bitawan ka… natatakot akong mawala ka sa’kin Gabbie…”

Hindi na kumibo pa si Gabbie. Walang imik itong bumalik sa silid. Sinundan ito ni Dave at niyakap mula sa likuran.

“Forgive me Gab, pangako hindi na ako magtatago sa’yo ng kahit ano… I love you and I can’t live without you…”

Tinanggal ni Gabbie ang pagkakayakap sa kanya ng lalaki. Tahimik itong nagbihis. Nagbihis na rin si Dave.

“Gab, dito ka lang please. ‘wag mo akong iwan.”

Subalit kahit anong pigil ng binata ay patuloy lang sa pag-aayos ang dalaga. Hanggang sa magpaalam na ito. (Itutuloy)