Una sa Balita

Star-Crossed Lovers

By
0 713

Ika-26 na labas

“Hindi ‘yon restaurant, karinderya lang ‘yon, o sige tara.”

Abante Hiring – IT dep

Pancit bihon at graham shake ang inorder ni Gabbie. Rice and chicken naman ang kay Dave.

“Ang sarap pala ng pagkain dito, mas masarap kaysa sa restaurant na lagi naming kinakainan ni John.”

Natigilan si Dave sa pagkakabanggit ni Gabbie kay John.

“Hindi talaga siya mawala sa isip mo no?” mahinang sabi ng binata.

“Naisip ko lang naman, bakit, nagseselos ka ba?”

“Syempre oo, kasi baka mahal mo pa rin siya…”

“Dave, hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan ‘yan, i-enjoy na lang natin itong pagkain.”

Sumang-ayon naman ang binata.

Habang naglalakad pauwi ay nagkukuwentuhan ang dalawa.

“Gabbie sorry kanina ha.”

“Saan?”

“Sa pagseselos ko, na-realize ko kasi na wala pa pala akong karapatang magselos, kasi wala pa namang “tayo”.”

“Ah ‘yun ba, wala ‘yon. “

“Saka alam ko naman na hindi agad mawawala yung pagmamahal mo kay John, yung dalawang taon na pinagsamahan niyo, ang dami na sigurong special memories na nabuo, na mahirap kalimutan.”

Natigilan si Gabbie. Huminto siya sa pag­lalakad.

“Teka, paano mo nalaman na two years ang naging relationship namin?”

“H-ha? Di ba nabanggit mo?”

“Nabanggit ko ba?”

Pilit inisip ni Gabbie kung kailan at paano niya ito nasabi sa binata. Kahit anong isip niya ay hindi talaga niya matandaan na nabanggit niya ito.

Kinabahan naman si Dave. Isa ito sa mga nalaman niya kay Jed noong ibinigay sa kanya nito ang trabaho.

Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa.

“Ahm, Gab, gusto mo bang mamitas muna tayo ng mangga?”

“Sige, saan ba?”

“Doon oh, magpaalam lang tayo, nakita ko kanina yung may-ari, baka nandiyan pa.”

First time makapamitas ng mangga ni Gabbie. Sa mababa lang siya. Si Dave naman ay umakyat pa sa pinakamataas. Sinasalo o kundi man ay pinupulot ng dalaga ang mga ibinabagsak ng binata. Kung minsan ay nagmumuntikanan pa siyang matamaan.

“Magdahan-dahan ka naman, baka mawalan na naman ako ng malay kapag tinamaan mo ako!” sigaw ni Gabbie kay Dave na nasa itaas.

“Umilag ka!”

“Okay, pero bumaba ka na, marami na ‘to!”

Related Posts

“Konti na lang at bababa na’ko!”

Maya-maya pa ay naglalakad na ulit sila pabalik sa bahay.

“Ang dami ng nakuha natin, marunong ka bang magluto ng bagoong?” si Dave.

“Marami akong alam na luto, pero hindi ako marunong magbagoong, kung igigisa lang, kaya ko.”

“Madali lang, bibili lang tayo ng alamang, tapos ibuburo natin sa asin saka natin igigisa sa maraming bawang, konting asukal at sahog.”

“E bakit hindi na lang kaya tayo bumili ng bagoong na gawa na?”

“May point ka ron!” natatawang sagot ni Dave.

Nagulat sila at nagkatinginan nang pagpasok nila sa bahay ay maabutan nila roon sina Mabel at Manong Jo.

“Ate Mabel!” yumakap si Gabbie sa babae.

“Blue Rose, kumusta ka rito, okay ka lang ba?”

“Oo, si Father Simeon? Yung mga kasama natin sa resort, okay lang ba silang lahat?”

“Oo, ang totoo nga niyan hinahanap ka na ni father, nag-aalala siya sa’yo, pero bukod doon, may iba pang naghahanap sa’yo…”

“Sino?”

Hindi na napigilan ng pagsenyas ni Dave si Mabel.

“Ang boyfriend mo.”

Natigilan si Gabbie. Hindi siya makakibo.

“Dave, manong, pwede po bang iwan nyo muna kami ni Ate Mabel?”

Agad namang sumunod ang dalawa.

Sa labas ng bahay, magkatabing naupo sa upuang kawayan sina Dave at Manong Jo.

“Nalungkot ka no? buti na lang at hindi kami nahirapan sa paghahanap nitong inuupahan mo.”

Hindi sumagot ang binata.

“Alam mo marami kang dapat ipaliwanag sa amin, napaniwala mo akong ikaw ang ex- boyfriend niyang si Gabbie. Mabuti na lang at mahilig magtsika itong si Mabel. Pero naiintindihan kita. Pinagdaanan ko na rin ‘yan eh. So pa’no ngayon ‘yan, pinaghahanap na siya ng tunay niyang boyfriend , anong balak mo?”

“Correction po manong, ex-boyfriend…”

“Ganon na rin ‘yon. Kung ako sa’yo, aba’y dali-dalian mo na ang panliligaw, pagnapatumpik-tumpik ka pa eh baka mabawi pa ng boyfriend niya!”

Muling nanahimik si Dave.

Nang makaalis ang dalawang bisita ay kinausap ni Gabbie si Dave sa terrace.

“Dave, akala ko ba alam na nila na nandito ako?”

“Sorry Gab, natakot kasi ako na iwan mo ako.”

“Yung tungkol sa boyfriend ko, alam mo na rin ba?”

“Oo, actually, nakita ko silang hinahanap ka…”

Napahugot ng malalim na buntong hininga si Gabbie. (Itutuloy)