Una sa Balita

Star-Crossed Lovers

By
0 712

Ika-25 na labas

“Wala ‘yon.”

Saglit na naghari ang katahimikan. Binasag iyon ni Gabbie.

“Dave, baka hinahanap na nila ko.”

“Magpahinga ka na lang muna rito, babalik ako doon para sabihin sa kanila na ligtas ka na.”

“Pero…”

“Gabbie, look at yourself, nanghihina ka pa. Buti pa ipaghahain muna kita tapos kumain ka habang ako e mag-uusisa doon.”

Pumayag na rin si Gabbie dahil pakiramdam nga niya ay nahihilo pa siya.

Sa pagbabalik ni Dave sa resort ay nakita niyang kausap ng pari ang ilang mga bumbero at pulis, ganoon din ang mga kapatid nitong madre. Hinahanap ng paningin niya sina Mabel at Manong Jo pero iba ang nahagip ng mga mata niya.

“JOHN!”

Kinabahan si Dave. Hindi niya nanaisin na makita ni John si Gabbie. Saglit pa siyang nagmasid sa mga kilos nina John at Jed. Pero mukhang wala pang balak umalis ang mga ito kaya dali-dali siyang nagbalik sa inuupahan.

“O Dave, kamusta do’n, nakita mo ba sila?”

“H-ha? Oo, actually, ang sabi ni Father Simeon, ako na muna raw ang bahala sa’yo…”

“Sinabi niya ‘yon?”

“Ano kasi, masyado pang magulo roon, tapos sina Mabel at manong hinahanap pa nila yung iba…”

“Gano’n ba?…Dave, I think kailangan ko silang tulungan.”

“No, I mean, bilin ni father na pagpahingahin na muna kita.”

“Okay. Tara, kumain ka na rin.”

Tahimik na sinaluhan ni Dave si Gabbie. Hindi maalis ang pag-aalala niya pagkakita kay John kanina.

“Dave, okay ka lang ba?” tanong ni Gabbie nang lapitan niya ito sa terrace.

“Oo naman.”

“Para kasing may bumabagabag sa’yo.”

“Wala. Iniisip ko lang, bukas sasamahan kita sa bayan para mamili ng mga gamit mo or kung gusto mo maghanap tayo ng ibang mauupahan.”

“Teka, iniisip mo bang magtatagal ako rito?”

“Bakit, aalis ka ba agad?”

Related Posts

“Naisip ko kasi, baka kailangan ko na talagang bumalik sa Manila.”

Natigilan si Dave. Hindi pa siya handang mahiwalay kay Gabbie. Hinawakan niya ang mga kamay nito.

“Gab, pwede bang mag-extend ka muna rito kahit sandali lang?”

“Bakit?” alam na niya ang sagot pero gusto pa rin niyang marinig mula sa bibig ng binata.

“Gusto pa kitang makasama…iniisip ko kasi, ‘pag bumalik ka na sa Manila, baka makalimutan mo na’ko…baka hindi na tayo magkita…”

“Kung gugustuhin mo akong makita, maraming paraan Dave. Isa pa, hindi pa natin masyadong kilala ang isa’t-isa. Marami pa akong bagay na gustong malaman tungkol sa’yo. Kaya kahit bumalik na ako sa Manila, kung gugustuhin mo, makikilala pa rin natin ang isa’t-isa.”

Hindi masabi ni Dave kung ano talaga ang higit na inaalala niya. Paano kung malaman ni Gabbie na isa siyang inspector na binayaran ni John para hanapin ito. At ngayon ay hindi na niya magagampanan pa ang trabaho niya dahil nahulog na ang loob niya dito? Matatanggap ba siya nito?

“O sige na, cheer up ka na, pagbibigyan kita, magi-stay ako rito ng ilang araw, pero ipangako mo sa’kin na magiging masaya lang tayo sa mga araw na ‘yon and after that hindi mo na ako pipigilang umuwi?”

“Thank you, thank you, thank you!” sa tuwa ay nabuhat ni Dave ang dalaga at isinayaw-sayaw ito sa hangin.

“Ibaba mo nga ako, hindi pa kita sinasagot!”

“Oo, pero yung pagpayag mong manatili rito ng ilang araw ay napakaswerte ko na!”

“Oo na ikaw na ang swerte kaya ibaba mo na’ko!”

Maingat namang ibinaba ni Dave ang dalaga. Sa pagtitig ng binata sa maamong mukha ng dalaga ay gusting-gusto na niya itong gawaran ng halik pero pinigilan niya ang sarili.

Sa pagkakatitig naman sa kanya ng binata ay gustong matunaw ng puso ni Gabbie. May kung anong napakalakas na pwersang tila nag-uudyok sa kanya na haplusin ang pisngi nito subalit tulad ni Dave ay napigilan rin niya ang kanyang sarili.

Tikom ang bibig ni Mabel at manong nang magtanong sa kanila sina John at Jed tungkol sa kinaroroonan ni Gabbie. Nang makalayo na ang mga ito ay saka nag-usap ang dalawa.

“Manong, kailangan muna nating makausap si Blue Rose bago tayo magsalita.”

“Tama ka, iyan din ang nasa isip ko, pero nasaan nga ba siya?”

“Alam kong tinulungan siya ni Dave, kaya kailangan nating makita si Dave, alam mo ba kung saan siya nakatira?”

“Hindi eh, ang alam ko lang nangungupahan siya sa malapit dito, mabuti pa magtanong-tanong tayo, kailangan maunahan natin ang ex boyfriend niya na matagpuan siya.”

“Oo, sige.”

Kinabukasan. Maaga pa nang umalis sina Dave at Gabbie para magpunta sa bayan. Bibili sila ng mga gamit ni Gabbie para sa ilang araw nitong balak na pananatili sa poder ng una.

Habang namimili ay palinga-linga si Dave. Pinagagana ang talas ng mata at pakiramdam.

Nag-aalala siyang magkrus ang landas nila nina John.

“Dave, okay na siguro ang mga to?”

“Oo, sige, buti pa umuwi na tayo.”

“Teka, parang gusto ko munang kumain do’n sa restaurant na ‘yun oh!” sabay turo ni Gabbie sa isang malapit na kainan. (Itutuloy)