Una sa Balita

Star-Crossed Lovers

By
0 713

Ika-24 na labas

Buhat ang dalaga ay bumalik nga sila sa kuwarto. Inalalayan ni Dave si Gabbie sa paghakbang sa may kataasan ding bintana. Nahirapan siya dahil wala itong malay.

Abante Hiring – IT dep

“Gabbie, come on, kaya natin ‘to!”

Ilang saglit pa bago sila tuluyang nakababa mula sa bintana. Muling binuhat ni Dave ang dalaga at sa likurang gate sila dumaan palabas ng resort.

Labis ang pag-aalalang rumehistro sa mukha ni John nang maabutan ang nasusunog na resort sa isla.

“Anong nangyari?” tanong niya sa isang lalaking nakasalubong.

“Nagsimula daw sa kusina ang apoy, ayan kumalat na.”

Lumapit sina John at Jed sa mga taong nagtipon sa isang bahagi ng isla paramag-usisa.

“A, may kilala ba kayong Gabbie na tumira diyan?” tanong ni Jed sa isang babae.

“Lahat ng babae diyan puro may alyas na bulaklak, iba’t ibang bulaklak, hindi naming kilala sa tunay na pangalan ang iba kaya hindi ko masasagot ang tanong mo.”

Bumaling si Jed kay John.

“Bro, siguro naman wala talaga si Gabbie diyan.”

“Sana nga…dahil kapag may nangyaring masama sa kanya, hindi ko mapapatawad ang sarili ko…”

“So, anong balak mo ngayon?”

“Dito muna tayo, marami pang iba na pwede nating pagtanungan.”

“Okay, ikaw ang bahala.”

Marami silang kinausap hanggang sa makita ni John ang pari na malungkot na pinagmamasdan ang nasusunog na pag-aari.

Related Posts

“Good morning Father, kayo po ba si Father Simeon?”

Tumango ang pari.

“Ako po si John, ikinalulungkot ko po ang nagaganap ngayon.”

“Teka, ikaw basi John, ang nobyo ni Gabbie?”

“Kilala nyo po siya?”

“Oo, at kilala din kita.”

Nabuhayan ng loob ang binata.

“Kung gano’n, nandito po ba siya?”

“Oo hijo, pero hindi ko alam kung nasaan siya sa mga sandaling ito, ipinapahanap ko na siya kay Manong Jo.”

Hindi alam ni John kung matutuwa siya o hindi sa pagkakatagpo kay Gabbie. Bigla kasi siyang nag-alala sa kaligtasan nito.

Samantala. Nagmulat ng mga mata si Gabbie. Inilibot niya ang paningin sa maliit na kuwarto hanggang sa dumako ang mga mata niya kay Dave na nakaupo lang sa bandang paanan niya at nakatunghay sa kanya.

“Buti naman at nagkamalay ka na.”

“Dave, nasaan tayo?”

“Nandito sa inuupahan kong bahay. Dito muna kita dinala habang magulo pa roon.”

“Sunog… anong nangyari? Sina Ate Mabel, si Father, nasaan sila?”

“Mukha namang walang naiwan sa loob maliban sa mga gamit.”

“Dave, iniligtas mo ba’ko?”

“Papunta talaga ko doon, may dala akong isang basket ng hinog na mangga para sa’yo nang makita ko ang nangyayari… hinanap kita at nakita kitang walang malay sa loob ng kuwarto mo, binuhat kita, pero wala na tayong ligtas na madadaanan sa harap kaya doon na lang sa bintana ng kuwarto mo.”

“Salamat.” (Itutuloy)