Una sa Balita

Star-Crossed Lovers

By
0 662

Ika-23 na labas

Subalit bago tuluyang lumabas ng silid ay lumingon ang binata.

“Gabbie, mahal mo pa ba siya?”

“Kailangan ko bang sagutin ‘yan ngayon?”

“H-hindi naman. Sige, pag-isipan mo muna.” Iyon lang at lumabas na ito ng silid. Hinabol siya ni Gabbie at hinawakan sa braso.

“Buti pa doon ka na lang dumaan sa bintana ng kuwarto ko, baka kasi may makakita pa sa’yo diyan.”

Agad sumunod ang binata.

On the way na sina John at Jed patungo sa isla.

“Jed, sigurado ka ba na ito yung lugar?” tanong ni John habang sakay sila ng boat.

“Sure ako mga 99%, Island for broken hearted ang tawag nila diba?”

“Tingin mo ba hindi talaga nakita ni Inspector Dave si Gabbie?”

“According to Alfie, kilala niya si Dave, sigurado siya na once na Makita ni Dave si Gabbie ay ipaaalam agad ito, kasi alam naman ni Dave kung gaano kalaki ang halaga na makukuha niya sa’yo.”

“Iba kasi ang kutob ko. Pero kung wala na dito si Dave, nasabi ba ni Alfie kung saan pa siya pwedeng magpunta?”

“Bro, si Gabbie ang hinahanap natin hindi si Dave. Bahala siya kung saan lupalop pa siya maghahanap.”

Related Posts

Hindi na kumibo si John. Hindi rin niya maintindihan kung bakit iba ang pakiramdam niya.

Samantala. Dala ang isang basket ng hinog na mangga, balak ni Dave na muling dalawin si Gabbie. Pero natigilan siya nang makita niya ang tila kumakapal na usok mula sa resort.

“A-anong usok ‘yon?”

Nabitawan niya ang basket at agad tumakbo patungo sa resort. Bumukas ang gate at isa-isang nagpulasan ang mga tao mula sa loob.

“EEEEEEE!” tili ni Mabel na nabangga kay Dave.

“Mabel, anong nangyayari, si Gabbie?”

“Sunog! May sunog, galing sa kusina! Si Gabbie, baka nasa kuwarto pa niya!” natatarantang sagot ng babae.

Iniwan ni Dave ang babae at halos lumipad siya patungo sa kinaroroonan ni Gabbie.

“GABBIE! GABBIE!” sigaw ni Dave.

Makapal na ang usok sa loob at napapaubo na rin ang binata.
“GABBIE!” patuloy niyang pagtawag.

Nakasarado ang silid ni Gabbie. Tila naka-locked pa iyon sa loob.

“Gabbie buksan mo ang pinto! Gabbie!”

Pero walang tugon mula sa loob. Tinadyakan na lang ni Dave ang pintuan. Bumungad sa kanya ang dalaga na walang malay sa sahig. Makapal na rin pala ang usok sa loob. Dali-dali niya itong binuhat at inilabas sa silid.

Pero halos napupuno na ng usok ang buong kabahayan. Walang makita si Dave na pwede pa nilang daanan.

“Malas!”

Naisip ni Dave ang bintana sa kuwarto ng dalaga. Pero kung babalik sila roon ay baka mas makapal na ngayon ang usok o baka may apoy na rin sa loob.
“Bahala na!” (Itutuloy)