Una sa Balita

Star-Crossed Lovers

By
0 617

Ika-22 na labas

“O bakit, may nasabi ba’kong nakakaiyak?”

“Wala naman, na-touch lang ako, ngayon lang kasi may naniwala sa mga sinasabi ko.”

Natatawang niyakap ni Gabbie si Mabel.

Sa kabila ng pangungumbinsi ni Mabel ay hindi pa rin makapag-decide si Gabbie. Natatakot kasi siya na tuluyang mahulog ang loob niya kay Dave. Natatakot siyang masaktan muli.

Pero hindi naman siya makatulog sa kakaisip sa binata. Inookupa na talaga nito ang isip niya. At tila hindi siya patatahimikin nito hangga’t hindi niya ito muling nakikita. Pakiramdam niya ay lalo siyang nananabik na makasama ito ulit.

Bumangon si Gabbie. Tinungo niya ang kusina at uminom ng tubig. Pagkainom ay muli siyang bumalik sa silid. Nabigla siya nang biglang may humila sa kanya papasok sa loob at tumakip sa bibig niya.

“Ssshhh, wala akong masamang intensyon.”

Nawala ang takot ng dalaga nang mapagsino ang nagsalita. Subalit napalitan iyon ng pag-aalala.

“Dave, anong ginagawa mo rito?”

“Sorry, sorry talaga, pero ilang araw ka nang hindi nagpapakita sa’kin, nag-aalala na talaga ako at lungkot na lungkot na’ko.”

“M-masama lang talaga ang pakiramdam ko…sorry na…”

“Sorry din, alam ko wala kang obligasyon na makipagkita sa akin araw-araw, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na hanap-hanapin ka…”

Lumapit si Gabbie sa pintuan at ni-lock iyon.

“G-Gabbie, anong balak mo?” kunwa’y nag-alala si Dave.

“Sira, wala akong balak sa’yo, ni-lock ko lang ang pinto dahil baka may makakita sa’yo dito, paano ka ba nakapasok, alam mong bawal ka dito.”

“Nagpatulong ako kay manong saka kay Mabel. Sa likod nila ko pinadaan.”

“At may kasabwat ka na pala dito?”

Naupo si Dave sa upuang malapit sa bintana.

“Naawa lang siguro sila sa’kin saka nakulitan.”

Naupo naman si Gabbie sa gilid ng kama niya.

“Dave, hayaan na lang natin na maging magkaibigan lang muna tayo. Hindi ako manhid para hindi ko maramdaman ‘yung special feelings mo para sa’kin. Pero gusto ko lang linawin hangga’t maaga na ayoko pang pumasok ulit sa isang relasyon.”

Ilang saglit ang pinalipas ni Dave bago sumagot.

“Don’t worry Gabbie, tulad ng sinabi ko, wala akong masamang intensyon sa’yo, at patutunayan ko ‘yan sa paghihintay ko kung kalian ka magiging handa, kahit abutin man tayo ng pagtanda, maghihintay pa rin ako…ang gusto ko lang ay ‘yung lagi kitang nakikita at nakakasama…”

Deep inside ay ikinatuwa ni Gabbie ang naging tugon ng binata. Sana ganito rin si John. Handang maghintay kung kalian siya magiging handa.

“O ngayon nakita mo na’ko at nakasama, pwede ba umalis ka na, baka may makakita pa sa’yo dito.”

Samantala, nang mga sandaling iyon…

Related Posts

“Mabel, gusto kong makausap si Gabbie.”

“Po? E father baka tulog na po si Blue Rose.”

“Sige, ako na lang ang titingin, importante kasi ang sasabihin ko.”

“Gano’n po ba, e sige po ako na lang po ang tatawag sa kanya!” harang ni Mabel sa pari.

“Ako na lang, doon ko na lang siya kakausapin sa kuwarto niya.”

“Ah hindi po, ako na lang po father!” muling hinarang ni Mabel ang sarili.

“Mabel, ano bang nangyayari sa’yo?”

“W-wala naman po father…”

“Kung gano’n paraanin mo ako.”

“S-sige po, sabi ko nga po kayo na lang…” pinagpawisan ng malapot si Mabel. Nag-aalala siya na baka abutan ni father si Dave doon.

Ilang mahihinang katok ang nagpalingon kina Gabbie at Dave sa pintuan.

“Gabbie.” Tawag ni Father Simeon.

“Dave, kailangan mong magtago” halos pabulong na sabi ni Gabbie sa binata.

Sa ilalim ng kama naisipan ni Dave na magtago. Saka ninenerbyos na nilapitan ng dalaga ang pintuan para buksan iyon.
“Father?”

“Pasensya ka na hija, naistorbo ba kita sa pagtulog mo?”

“H-hindi naman po, actually po, patulog pa lang po ako.”

“Mabuti kung gano’n, may importante kasi akong sasabihin sa’yo.”

“Tungkol po saan?”

Pinaupo ni Gabbie ang pari.

“Tungkol doon sa boyfriend mong si John. Sinabi sa akin ni Sister Olivia na nagpunta raw sa simbahan ang boyfriend mo at pilit inaalam itong lugar.”

Nagulat si Gabbie.

“Anak, mas mabuti siguro kung haharapin mo na siya at ayusin ang problema. Siguro naman ay sapat na ang panahon na inilagi mo rito para makapg-isip ka.”

“P-pag-iisipan ko po father.”

“Tama. Pag-isipan mong mabuti. Sinabi ko ito sa’yo para hindi ka na mabigla kung isang araw ay bigla na lang siyang dumating dito.”

“Thank you po father.”

“At isa pa, baka kailangan ka na rin ng Uncle Rome mo sa trabaho.”

Tumango na lang ang dalaga. Nagpaalam na rin ang pari.

Tahimik namang lumabas mula sa ilalim ng kama si Dave. Ang maaliwalas na mukha kanina ay napalitan ng pag-aalala.

“Ahm Gabbie, siguro kailangan muna kitang iwan para makapag-isip kang mabuti.”
“Oo Dave.” (Itutuloy)