Una sa Balita

Star-Crossed Lovers

By
0 617

Ika-21 na labas

Ang matanda naman ang napakamot sa ulo.

“O sige na nga, sana makatulong ang bulaklak na ‘yan kaysa gamot.”

“Sure po ‘yan. Pakisabi na rin na uminom siya ng gamot at magpahinga siyang mabuti.”
Tumango ang matanda at tumalikod pero muli nitong nilingon ang binata.

“Teka, sasabihin ko rin bang with love ang bulaklak na ito?”

“Hindi na ho kailangan, mararamdaman niya ‘yon.”

“Ang laki ng tiwala mo sa sarili, sige diyan ka na at papasok na ako.”

Hindi maiwasan ni Gabbie ang kiligin nang iabot sa kanya ni Mabel ang tatlong tangkay ng gumamela nang pumasok ito sa kuwarto niya.

“Ang sabi ni Manong with love daw ‘yan sabi ni Dave, o anong masasabi mo ha?”

“Wala. Pero nakokonsensya ‘ko… kasi wala naman talaga akong sakit at hindi naman masama ang pakiramdam ko…”

“Asus, ok lang ‘yan, ang tawag diyan labnat!”
Napangiti si Gabbie.

“O siya, maiwan na kita at marami pa akong gagawin.”
“Salamat, Ate Mabel.”

Nang makaalis na ang babae ay inamuy-amoy ni Gabbie ang bulaklak. Tila kakaiba ang bango nito na humahalimuyak sa pang-amoy niya. Tulad ng ginawa niya sa rose na nauna nang ibigay sa kanya ni Dave ay isiningit din niya ito sa isang notebook.

Hindi inaasahan ni Alfie na magiging bisita niya sa opisina si Jenny.

“O, Jen, what are you doing here?”

“Itatanong ko lang kung nakabalik na ba si Dave?”

“Hindi pa. Bakit, may kailangan ka ba sa kanya?”

“Manghihiram sana ako ng pera e, ‘yung pamangkin ko kasi naospital…”

“Ganon ba? E magkano ba’ng hihiramin mo?”
“10k sana.”

“Ano?”

“Baka naman pwedeng ikaw na lang ang magpahiram sa’kin?”

“Sige, kalahati, pero sabihin mo nga sa’kin kung bakit hanggang ngayon e hindi pa bumabalik si Dave?”

“As if naman alam ko ang sagot? ‘Di ba nga ako ang nagtanong sa’yo kanina kung nakabalik na siya? “

Napaisip si Alfie. Sa tuwing tatawagan naman niya si Dave ay tila lagi itong nagmamadaling ibaba ang phone at halos ayaw siyang kausapin.

“Pero alam mo sa tingin ko may secret agenda itong si Dave sa isla eh, dahil kung wala e ‘di sana nakauwi na rin siya.”
“Isla?”

Related Posts

“Island for Broken-hearted, somewhere in Palawan, siguro naman hindi na masamang ibunyag ko ‘yon dahil wala naman du’n ang hinahanap niyang babae!”

Halos sabay na napalingon sina Alfie at Jenny kay Jed na bumungad sa pintuan.

“Oh guys sorry, hindi na’ko kumatok, nakabukas naman kasi ang door.” Si Jed.
“Okay lang, tuloy ka Jed.”

Nagpaalam na rin si Jenny pero sinenyasan si Alfie tungkol sa hinihiram niya.

“I’ll call you.” Tugon ni Alfie kay Jenny.

“So, Island for Broken-hearted, doon ba hinanap ni Inspector Dave si Gabrielle?”

“Narinig mo pala, I think so, pero according to Jenny hindi nakita ni Dave si Gabrielle do’n, so malamang lumipat siya ng lugar.”

“Okay, so who’s that girl?”

“Si Jen, mutual friend namin ni Dave, and I think naging MU rin sila ni Dave before pero naudlot, so ngayon she remain friends with us.”

“By the way, nandito ako, actually para makibalita sa paghahanap ni Inspector Dave kay Gabrielle. Hindi na kasi maganda ang timpla ni John about this, masyado na siyang napapraning, and he even forgot his obligation to our company.”

“Really?”

“Oo, kaya please lang Alfie, kung puwede kausapin mo si Dave about this. And I hope na magkaroon na ng resulta ang paghahanap niya.”

“Don’t worry, I’ll talk to him.”

“Thanks. You wanna go out?”

“Yes, saan tayo?”

“Sa pinakamalapit na bar dito, let’s have some fun!”

Magkasundong lumabas ng opisina ang magkinakapatid.

Kinabukasan ay prutas naman ang natanggap ni Gabbie mula kay Dave at si Mabel ulit ang nag-abot niyon.

“Blue Rose, sa tingin ko baka kailangan mo na siyang kausapin ulit, kasi hindi siya nauubusan ng ipapabigay sa’yo oh.”

“Oo nga eh, apples and ponkan naman ngayon.”

Inilapag ni Mabel ang mga prutas sa ibabaw ng side table ni Gabbie.

“Kung may nararamdaman ka, ‘wag mong pigilan, kasi habang pinipigilan mo ito lalo lang itong lumalalim, parang yung kasabihan, habang pinipigil lalong nanggigigil.”

“Ganon ba?”

“Korek. Kung ako ikaw, kilalanin mo na lang siyang mabuti. Alamin mo kung may mga bagay na nakakaturn-off sa kanya, malay mo mawalan ka ng interes dahil don. Maliban na lang kung wala kang makikita o malalaman na hindi maganda tungkol sa kanya. Kasi nga love is blind di ba?”

“Ikaw talaga Ate Mabel ang hilig mo sa sayings.”

“And quotes, mahilig din ako sa mga poems and music.”

“Kaya pala ganyan ka magsalita, pero in fairness naniniwala naman ako sayo!”
Biglang napahikbi si Mabel. (Itutuloy)