Una sa Balita

Star-Crossed Lovers

By
0 617

Ika-2 na labas

“’Tol, nasa’n ka man ngayon, sana masaya ka…”

Ang nasa picture ay silang magkapatid. Siya ang panganay at ang kapatid niyang lalaki ang bunso. Nawalay siya sa sariling pamilya noong 14 years old siya dahil nagstokwa siya.

Nine pa lang noon ang kapatid niya. Hindi niya kasi gusto ang pamamalakad at paraan ng pagdidisiplina ng mga magulang nila.

Hindi naging madali ang pinagdaanan ng buhay niya mula nang lumayas siya hanggang sa makarating siya kung nasaan man siya ngayon. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, wala siyang pinagsisihan sa mga naging desisyon niya.

Ang nag-iisang picture na naiwan sa kanya ang tanging pinanghahawakan niya sa nakaraan at sapat na iyon para sa kanya.

Inilagay niya ang picture sa loob ng wallet niya.

Umaga. Nagmulat ng mga mata si Gabrielle. Bumangon siya at humarap sa half body antique mirror na nakapuwesto sa right side ng bed. Sinuklay ang tuwid at hanggang balikat na buhok.

“Good morning Gabbie.” Bati niya sa sarili na may kasamang pagngiti.

Ilang sunud-sunod na katok ang narinig niya mula sa pintuan.

“Hon.”

Lumapit siya sa pinto at binuksan iyon.

“Good morning hon!” sabay halik ni Gabbie sa pisngi ni John. Humalik din ito sa kanya.

“Good morning, tara na, handa na ang breakfast.”

“Ikaw ba ang nagluto?”

“Oo, I just want to make sure na masarap ang kakainin mo ngayong umaga, kaya niluto ko ang favorite mong fried rice and bacon.”

“Thank you hon, you’re so thoughtful!”

Hinawakan ni John ang kamay ng dalaga habang patungo sila sa kusina.

“Kumusta naman ang tulog mo?” naisip itanong ni Gabbie habang kumakain sila.

“Maayos naman, malambot ang sofa at malaki, para na rin akong nakahiga sa kama, I was comfortable.”

“Mabuti naman kung gano’n.”

“Ikaw?”

“Okay rin naman, akala ko nga hindi ako makakatulog kasi hindi ako sanay matulog sa ibang kuwarto, but then I didn’t expect na mapapahimbing pa’ko.” nakangiting sabi ni Gabbie.

Related Posts

“That’s good. Hindi na tayo mahihirapan sa one week stay natin dito.”

“Hon, sabay ba tayong pupunta ng seminar o mauuna ka?”

“I think much better kung ako ang a-attend sa seminar this morning tapos ikaw na later this afternoon, susunduin na lang kita.”

“Okay sige.”

Nang makaalis na si John ay nagsimulang magligpit si Gabbie. Nagmamadaling nilapitan siya ni Manang Delia.

“Ma’am, ako na ho ang magliligpit ng mga pinagkainan, trabaho ko ho iyan, inuna ko lang po ang pagdidilig ng mga halaman kasi akala ko hindi pa kayo tapos.” Nakangiting sabi nito.

“No manang, actually ginagawa ko talaga ito sa’min kahit may mga maids kami.”

“Ho?”

“When I was teenager po, may mom taught us all the house chores. She make sure na alam namin ni ate ang lahat ng gawaing bahay, even the laundry.

Kaya before she passed away because of cancer, sinabi niya na hindi raw siya nalulungkot dahil alam niya na naituro niya sa amin ang lahat ng nalalaman niya at alam niya na gagawin din namin iyon sa mga magiging anak namin, mahalaga raw kasing maraming alam na gawin ang isang babae. And most of all, itinuro niya sa amin kung paano maging mabuti at matatag na babae.”

Napailing at napahinga ng malalim si manang kasunod ang isang matamis na ngiti.

“Napakabuti pala ng inyong ina. Hinahangaan ko siya. At ikaw rin.”

“Actually po, matagal ko na nga po itong hindi nagagawa sa bahay kasi naging busy na ako sa work kaya pagdating ko pahinga na lang.”

Nagpatuloy sa pakikipagkuwentuhan si Gabbie sa matandang babae habang naghuhugas ng mga plato. Aliw na aliw naman sa kanya ang matanda.

“Teka, kayo po ba ni Sir John eh wala pang balak lumagay sa tahimik?”

Saglit na natigilan si Gabbie bago sinagot ang tanong ng matanda.

“Ahm, wala pa naman po. Hindi pa po namin napag-iisipan ang kasal.”

Matapos iyon ay nanahimik ang dalaga. Bagay na napansin ng matanda pero hindi na lang ito kumibo.

Ang totoo kasi ay gusto na sana ni John na magpakasal sila. Last month lang ay nag-attempt itong mag-propose sa kanya pero inunahan na niya ito na hindi pa siya handa.

Mahal naman niya si John pero hindi niya alam kung bakit at ano ang pumipigil sa kanya para makipag-isang dibdib dito. Wala naman talaga siyang pangarap na gusto pang maabot dahil kuntento na siya sa magandang katayuan niya sa kumpanya ng uncle niya na isang realty company.

“Ako, ako ang dahilan.” Si Dave na may kausap sa cellphone habang naglalakad patungo sa kotse niya na nasa parking lot.

“Seryoso ka?” tanong ni Alfie sa kabilang linya.

“Oo nga, ako ang dahilan ng paghihiwalay nina Cathy at Brian, anong magagawa ko kung nagkagusto sa’kin ang girlfriend niya, naging nice lang naman ako, pero wala akong balak na gawing girlfriend si Cathy!”

“At wala ka ring balak na pag-ayusin sila?”

“Ano ka ba Alfie, ayokong makialam sa kanila, problema na nila ‘yon, none of my business!” (Itutuloy)