Una sa Balita

Star-Crossed Lovers

By
0 713

Ika-18 na labas

“Gabbie, para na kitang anak, kaya gusto kitang payuhan. Nabalitaan ko kasi na palagi ka raw lumalabas at nakikipag-usap sa isang lalaki sa may dalampasigan. Maari ko bang malaman kung sino ang lalaki na’to?”

Abante Hiring – IT dep

“Ahm… si Dave po father…isang bagong kaibigan…”

“Kaibigan?”

Tumango ang dalaga.

“Anak, hindi naman sa pinagbabawalan kitang makipagkaibigan, let me just remind you na nandito ka para paghilumin ang sugat sa puso mo, nag-aalala lang ako na baka dahil sa ginagawa mong pakikipagkaibigan sa lalaking si Dave ay muli kang masugatan, mas malalim at mas masakit.”

“‘Wag po kayong mag-alala father, wala po akong ibang intensyon sa pakikipagkaibigan ko sa kanya. Actually po napapagaan po niya ang loob ko at nababawasan ang sakit na dinadala ko.”

“Sige, ikaw ang bahala, basta pinaalala­hanan kita. At kung may kailangan ka pa, alam mo naman kung saan ako pupuntahan.”

“Thank you po Father Simeon, sobra ko pong na-appreciate ang pag-aalala niyo sa’kin. And don’t worry po, pag-iingatan ko na po ang puso ko.”

Tumango ang matandang pari at nagpaalam na rin ito.

Nagpatuloy si Dave sa pakikipagkita kay Gabbie sa dalampasigan.

“Gab, eto o, nagdala ko ng mangga, binalatan ko na rin para masaya ang kuwentuhan natin.”
“Talaga? Teka may bagoong ka bang dala?”

“Siyempre naman, hindi kumpleto ang mangga kung walang bagoong, parang ikaw at ako!” natatawang sabi ng binata.

“Gano’n? Teka, ‘wag mong sabihing ako ang bagoong?”

“O sige, ikaw na lang ang mangga, ako na lang ang bagoong kahit mabaho, maasim ka naman eh!”

Pabirong hinampas ni Gabbie si Dave sa balikat nito.

“Saan naman galing ang mangga mo?”

“May malaking puno ng mangga sa likod ng inuupahan kong bahay, namitas ako para sa’yo.”
“O sige na, thank you, pero nagpaalam ka ba sa may-ari?”

“Hindi, wala siya eh, ‘pag nagkita na lang kami saka ako magpapaalam.” Natatawang sabi ng binata.

“Baka sumakit ang tiyan natin niyan, ay ako lang pala, mukhang sanay ka naman nang hindi nagpapaalam eh.” Biro pa ng dalaga.

“Alam mo, grabe ka sa’kin, dinalhan na nga kita ng mangga oh!”

“Okay fine, ilang beses ko ba kailangan magpasalamat?”

“Kahit ‘wag na, basta makuntento ka lang at maging masaya ka lang, happy na rin ako.”

Hindi kumibo si Gabbie pero ikinatuwa niya ang sinabi ni Dave.

Related Posts

Biglang tumunog ang cell phone ng binata. Kinabahan ito nang rumehistro ang number ni John na sinave niya sa cellphone niya.

“O bakit ayaw mo pang sagutin, girlfriend mo no?” biro ni Gabbie.

“Ah, hindi, excuse ha.”

Tumayo si Dave at dumistansya nang konti kay Gabbie.

“Hello.”

“Hello Dave, this is John, anong balita?”

“Ahm, sir, wala pa’kong maibabalita, I’ll call you as soon as I get some information about her.”

“Dave, next time na tatawag ako, make sure na may maganda ka nang maibabalita!”

“Yes sir…” napalunok si Dave.

Tiningnan niya si Gabbie na nanatiling nakaupo. Napasulyap din ito sa kanya. At sa pagtatama ng kanilang mga paningin ay nasiguro niya sa sarili na hindi pa talaga siya handang ibalik ito kay John.

“Dito ka lang Gabrielle… dito ka lang sa tabi ko…” sa isip niya.

Galit na ibinalibag naman ni John ang cell phone sa pintuan ng opisina niya, muntik nang tamaan si Jed dahil saktong bukas nito ng pinto.

“Oh hey bro! muntik na’ko do’n ah!”

“I’m sorry.” Nanatiling nakasimangot at problemadong ibinagsak ni John ang katawan sa upuan.

Nilapitan siya ni Jed.

“What’s wrong?”

“I never thought na matitiis ako ni Gabbie nang ganito katagal. She loves me, I know she loves me so much, pero bakit hindi pa rin siya nagpaparamdam?”

“Hintayin na lang natin ang resulta ng paghahanap ni Dave, si Alfie mismo ang nagsabi sa akin na magaling magtrabaho ang kaibigan niya, so let’s just trust him.”

“Trust him? Katatawag ko lang sa kanya, at alam mo ba kung anong sinabi niya sa’kin?”

Umiling si Jed.

“Sinabi ng Dave na ‘yon na wala pa siyang maibabalita sa’kin! Ni hindi man lang niya ako binigyan ng pag-asa kahit katiting na matatagpuan niya ang girlfriend ko!”

“John, relax, of course hindi ka niya muna bibigyan ng kahit na anong lead, he’s after your money, kung bibigyan ka niya ng clue baka maunahan mo pa siya ‘di ba?”

Saglit na kumalma si John.

“Okay, you have a point, pero make it sure na hindi matatapos ang taon na’to at makakasama ko ulit si Gabbie, dahil kung hindi mananagot sa’kin ang inspector na ‘yon!”

“Bro, ‘wag mong sisihin si Dave o kahit na sino kapag hindi mo natagpuan si Gabbie, mahirap talagang hanapin ang nagtatago. Unless manawagan ka sa radio, tv or social media, pero mahirap naming gawin ‘yon kasi alam mo naman na ayaw na ayaw ni Gabbie ng controversy.”

“Yeah, I know, pero kapag wala na akong choice, gagawin ko ‘yon.” (Itutuloy)