Una sa Balita

Star-Crossed Lovers

By
0 617

Ika-16 na labas

Hinawakan niya ang kutsara at tinidor. Tila batang nilaro-laro ang kanin at pork pero pagkuwa’y binitiwan din ang mga kubyertos at tumayo.

Tinungo ang bintana at tinanaw ang baybayin kung saan sila nagkakilala ng lalaki. Habang iniisip niya si John ay sumasalit ang nakangiti nitong mukha sa isip niya.

Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Dave. Nakatakip ang braso niya sa mga matang nakapikit. Hindi maalis sa isip niya ang maamong mukha ng dalaga. Malinaw niya itong nakikita. Tila bigla siyang naging interesado na makilala ito ng lubos.

“Dito muna ako… at walang makakaalam na nandito ako… at siya…”

Kinabukasan. Kinausap ni Gabbie si Mabel nang pumasok ito sa kuwarto niya para kunin ang labahan niya.

“Ate Mabel, di ba si Manong Jo ang nagbigay sa’yo ng sulat para sa’kin?”

“Oo, bakit may problema?”

“W-wala naman po, may itatanong lang sana ako sa kanya tungkol sa sulat.”

“Naku, e kakaalis lang ni manong, sinundo siya ng panganay niya at kailangan daw dalhin sa ospital yung apo niya.”

“Gano’n ho ba?”

“Teka, ano bang itatanong mo?”

“Ah, hindi naman po importante, di bale na lang.”

Sa paglipas ng mga araw ay patuloy na inaabangan ni Dave si Gabbie. Nagbabakasakali na muli itong lumabas at makita. Gusto sana niya ulit na magpabigay ng sulat dito para makausap pero hindi rin niya makita si manong.

“Malas naman…”

Samantala. Panay ang sulyap ni Gabbie sa bintana. Mula nang makausap niya ang binata ay palagi na niya itong nakikita doon. May kutob siyang siya ang inaabangan nito.

Napahugot ng malalim na hininga ang dalaga. Tila may kung anong pwersa kasi ang tumutulak sa kanya para puntahan ito at muling kausapin. Pero kapag naiisip niya kung para ano, at para saan ay napipigilan niya ang sarili.

Sa muling pagpasok ni Mabel sa silid ng dalaga ay may dala ulit itong sulat.

Related Posts

“Blue Rose, nagtapon ako ng basura sa labas kanina, eto oh, pinaabot nung lalaki, siya rin siguro yung nagpabigay ng sulat sa’yo.”

“S-salamat Ate Mabel.”

“Mukha naman siyang mabait, siya ba yung ex mo? Naku kung humihingi na ng tawad aba e, bakit di mo na lang ulit bigyan ng chance? Kunsabagay, wala naman akong alam sa pag-ibig dahil hanggang ngayon dalaga pa rin ako at ni walang manliligaw.”

“Ikaw talaga Ate Mabel, ‘wag kang mag-alala, malay mo bukas kumatok na rin sa buhay mo yung true love mo. Pero salamat dito sa sulat ha.”

Hindi na nagbigay ng impormasyon si Gabbie kay Mabel tungkol sa sulat at sa taong sinasabi nito na ex-bf niya.

Binasa ng dalaga ang nilalaman ng sulat.

“Hello Blue Rose. I hope we can be friends. Sana kausapin mo ako kapag naisipan mong lumabas ulit.”

Ilang sulat pa ang natanggap niya mula sa binata bago niya naisipan na harapin itong muli sa wakas.

Nagulat pa ito nang mamalayan ang presensya niya mula sa likuran.

“Blue Rose!”

“Dave, ang pagpunta ko rito, it doesn’t mean na makikipagkaibigan na’ko sa’yo. Gusto ko lang malaman kung bakit gano’n na lang ang kagustuhan mong maging kaibigan ako.”

Napakamot sa ulo si Dave.

“E, actually, hindi ko rin alam. Simula lang nung makita kita, parang ang gaan ng loob ko sa’yo.”

Lumapit si Gabbie.

“Siguro dahil sa sinabi mong kamukha ako ng ex-gf mo na hinahanap mo.

Well, I know your intention, so please stop bothering me okay? Wag mo na ulit ako padadalhan ng sulat.”

Tatalikod na sana si Gabbie pero napigilan siya ni Dave sa braso.

“Wait, I don’t have any bad intention, gusto ko lang talagang makipagkaibigan, nakakalungkot kasi dito sa isla.”

Tiningnan ni Gabbie ang kamay ng binatang nakahawak sa braso niya kaya’t agad naman iyong inalis ni Dave.

“I’m sorry. Gusto ko lang talaga ng makakausap.” Anang binata sa mababang tono. (Itutuloy)