Una sa Balita

Star-Crossed Lovers

By
0 617

Ika-15 na labas

Napakunot noo siya nang hindi niya makita si John sa baybayin at sa halip ay isang lalaking nakatalikod at nakaupo sa buhanginan.

Nakatali ang buhok ng lalaki na sa tantya niya’y bago dumating sa balikat ang haba. Nakasuot ito ng white long sleeve at maong short. Bigla siyang nagdalawang isip kung lalapitan ba niya ito o babalik na lang siya sa resort.

Napahakbang siya paatras. Subalit bago pa niya magawang makalayo ay nalingunan na siya ng lalaki at agad itong tumayo.

“Miss…?” hindi alam ni Dave kung bakit hindi niya nabigkas ang pangalan ni Gabbie.

Nangislap ang mga mata ng binata sa kung anong dahilan. Hindi makapaniwala na natagpuan na niya ang hinahanap. Hindi rin makapaniwala si Gabbie na nagawa siyang papaniwalain ng isang estranghero at nasa harapan siya nito ngayon.

“Sino ka?” tanong niya mula sa ‘di kalayuang distansya.

“I-I’m Dave…and you are?” Hindi niya nagawang magpakilala bilang inspector.

“Dave? Ikaw ang nagpabigay ng sulat?”

Nakangiting tumango ang binata.

“How did you know me at anong kailangan mo sa’kin Dave, at bakit John ang inilagay mong pangalan do’n?”

“Wait, isa-isa lang ang tanong… I’m sorry…akala ko ikaw ‘yung girlfriend ko…”

Biglang naguluhan ang dalaga.

“Paano?”

“Kasi, nu’ng isang araw, nandito rin ako, and I saw you, kaso nakapasok ka na agad sa loob, kamukhang-kamukha mo talaga ang gf ko, actually ex gf, si G-GIRLIE!” pagsisinungaling ni Dave.

“At saan naman nanggaling ang pangalan ni John?”

“Well I’m Johnny Dave, ‘yung dad ko kasi David ang pangalan niya, and then he’s favorite actor is Johnny Depp, doon kinuha ‘yung name ko, and my ex gf called me John. Nakiusap ako kay manong na ipabigay ‘yung sulat para magkaayos sana kami…pero, mali pala ko…”

Hindi nakaimik si Gabbie. Hindi alam kung paniniwalaan ang sinabi ng kaharap.

“Ikaw, ano bang name mo?”

“Just call me Blue Rose.”

Related Posts

“Wow, can I call you Rose na lang? Mukhang may hugot sa pangalan mo ha!”

Hindi sinuklian ni Gabbie ang pagngiti ni Dave.

“Sorry… by the way, since nandito ka na rin lang, can we be friends?”

“No.” pagkasabi niyon ay tumalikod na ang dalaga.

“Wait, Rose!”

Hindi lumingon ang dalaga pero huminto ito sa paglakad.

“Hindi ako masamang tao.” ani Dave.

Pagkarinig niyon ay muling nagpatuloy sa paglakad si Gabbie. Naiwang puno ng kaba ang dibdib ni Dave.

Hindi alam kung pagagalitan ang sarili o hindi. Bakit ba nagpanggap pa siya at nagsinungaling? Bakit hindi na lang niya ito diniretsa tungkol kay John?

“What are you thinking Dave?” tanong niya sa sarili.

Pero kahit papa’no ay nakahinga siya ng maluwag dahil hindi siya nagkamali ng hinala. Ang dapat na lang niyang gawin ay tawagan si Jed para sabihin kay John na natagpuan na niya si Gabbie para makuha na niya ang pera niya.

Sa halip na si Jed ang tawagan niya ay number ni Jen ang idinayal niya.

“Hello Jen.”

“Sorry boss, wala pa rin akong magandang maibabalita dito sa loob eh. Mukhang wala talaga siya dito.”

“Okay lang Jen, buti pa umalis ka na diyan, ibibigay ko na ang bayad ko sa’yo para makauwi ka na.”

“T-talaga? pero paano na?”

“‘Wag mo nang intindihin, siguro sa ibang lugar na lang ako maghahanap.”

“Hindi ka ba sasabay sa’kin pauwi?”

“Hindi na. May pupuntahan pa’kong iba.”

“Okay, sige.”

Lalong naguluhan si Dave sa sarili. Bakit ba niya ginawa ‘yon? Ano ba talagang balak niya? Bakit sa isang iglap ay naging estranghero siya maging sa sarili niya?

Kanina pa hinatid ni Mabel ang hapunan ni Gabbie. Subalit lumamig na lang ito sa pagtitig ng dalaga. Hindi siya makakain. Naiisip niya ang estrangherong lalaking ‘yon. Nu’ng una niyang mabasa ang sulat kahit papa’no ay umasa siya na si John nga iyon. Kahit papa’no ay nabawasan ang bigat sa dibdib niya. (Itutuloy)