Una sa Balita

Star-Crossed Lovers

By
0 713

Ika-12 na labas

“Okay. No problem.”

Palubog na ang araw nang makarating sila sa isla. Agad na hinanap ni Jen ang Island for Broken-hearted. Samantalang si Dave naman ay naghanap ng matutuluyan.

Mula sa bulsa ng pantalon ay kinuha niya ang wallet. Tiningnan niya sa wallet ang lumang picture nila ng kapatid at kinausap iyon.

“’Tol, kung nasaan ka man ngayon, sana okay ka lang, tulad ng hahanapin naming si Gabbie.”

Hindi naman sila nahirapan dahil kilalang-kilala doon ang isla. Bawal ang lalaki kaya sa cellphone na lang ang komunikasyon nina Dave at Jen.

“Hello Jen, anong balita diyan?”

“Mukhang mahihirapan tayo, kasi bawal pala ang cellphone dito. Buti na lang at naitago ko ‘tong cellphone ko. Nandito ako sa cr ngayon kaya mahina ang signal.”

“Okay lang ‘yan, basta ‘wag mo lang ipapahuli ang cp mo. Magtrabaho ka na agad para hindi masayang ang oras natin pareho.”

“Okay.”

Isang bahay na may maliit na kuwarto ang napili ni Dave na pansamantala niyang tutuluyan. Pinagpag niya ang unan bago higaan.

“Pwede na’to, mukha namang hindi kami magtatagal dito.”

Para kay Dave, exciting ang trabaho na’to kahit pa mahirapan siya. Sunud-sunod na pagpalpak at kamalasan ang mga tinrabaho niya nitong mga nakaraang buwan kaya sisiguraduhin niya na sa pagkakataong ito ay hindi na siya papalpak.

Related Posts

“Makikita kita Gabbie, kahit saang sulok ng Pilipinas ka pa magtago, mahahanap kita…”

Pero naisip din niya, paano kung lumabas pala ng bansa ang dalaga?

Biglang napabalikwas ng bangon si Dave sa isiping iyon.

Kinabukasan. Maaga pa ay nakatanggap na agad ng tawag si Dave mula kay Jen.

“Hello Dave!”

“O ano Jen, may good news ka ba?”

“Negative pa. Nasa bente lang kaming mga babae dito, nu’ng ipinakilala sila sa akin isa-isa, hindi mga totoong pangalan ang sinasabi kundi pangalan ng mga bulaklak na mga alyas nila dito.”

“Ano? Ang dami namang kaartehan niyan! Tingnan mo mabuti ‘yung picture ni Gabbie.”

“Oo, actually may kamukha nga siya dito pero hindi ko pa sure kung siya ‘to, tapos may sinasabi silang isa pang babae pero ang gusto lang daw mapag-isa muna sa kuwarto niya kaya hinahayaan muna nila. Lumalabas din daw iyon paminsan-minsan pero walang gustong kausapin kundi si Father lang at sina Sister.”

“Good. Subaybayan mo ‘yang kamukha ni Gabbie at kailangan makita mo ‘yung babae na sinasabi nila.”

“Ok, sige na, baka hinihintay na nila ‘ko, baka makita pa ‘tong cellphone ko.”

Kahit papa’no ay nabuhayan ng loob si Dave.

Makalipas ang maghapon ay muli siyang nakatanggap ng tawag mula kay Jen.

“Negative Dave, Roxanne ang tunay na pangalan nu’ng sinasabi kong kamukha ni Gabbie. ‘Yung nagkukulong naman sa kuwarto hindi ako makakuha ng tyempo para makita siya.” (Itutuloy)